Micheal V natupad ang pangarap na mag-paragliding: Grabe ‘yung literal na ‘high!’ | Bandera

Micheal V natupad ang pangarap na mag-paragliding: Grabe ‘yung literal na ‘high!’

Pauline del Rosario - November 06, 2022 - 02:55 PM

Micheal V natupad ang pangarap na mag-paragliding: Grabe ‘yung literal na ‘high!’

PHOTO: Instagram/@michaelbitoy

DREAM come true para sa Kapuso actor-comedian na si Michael V o mas kilala bilang Bitoy ang masubukan ang “paragliding.”

Ayon kasi sa komedyante, isa ito sa mga nakalista sa kanyang bucket list na inaasam-asam niyang matupad sa buhay.

Kasalukuyang nasa Japan ang aktor kasama ang buong pamilya at sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay masaya niyang ibinalita ang extreme challenge.

Ibinandera niya ang ilang litrato habang siya’y nasa ere.

Excited pa niyang naikwento na parehong-pareho raw ang feeling sa kanyang panaginip.

Caption niya, “Bucket list checked! Dati sa panaginip lang ako nakaka-experience ng paglipad.

“Nu’ng sinubukan namin ni misis ‘tong PARAGLIDING, gano’n pala talaga ang feeling! Eksakto sa panaginip mo!”

“Grabe ‘yung literal na “high”! @ayoito Ulitin natin ‘to ha? (blush face emoji),” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Tuwang-tuwa rin pati ang ilang kapwa-artista sa post ni Bitoy at ilan lang sa mga nag-comment ay sina Ogie Alcasid, Manilyn Reynes, at Valeen Montenegro.

Bukod sa paragliding experience ay plinex din ng komedyante ang isa pa sa mga pinasyalan ng kanyang pamilya, ang “Nagano Prefecture.”

Ito ang ika-apat na pinakamalaking local regional subdivision ng Japan at kilala ang lugar sa may magagandang kabundukan, hot springs at ski resorts.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Matatandaang kamakailan lang ay nag-viral ang throwback picture ni Bitoy kasama ang kanyang anak na lalake na si Milo dahil sa malaking pagkakahawig nilang dalawa.

Ni-repost ito ng video creator na si Perds Centino at may caption pang, “Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy.”

Ang viral photo ay kasalukuyang umaani na ng halos 710,000 Facebook reacts libo-libong shares and comments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Diego hindi in-expect na magiging member ng ‘Bubble Gang’, paano nga ba siya na-discover nina Bitoy?

Litrato ni Michael V kasama ang 2 junakis mabenta sa socmed: ‘Mas mukhang Bitoy kesa kay Bitoy!’

Bitoy sa pagbabalik ng original cast ng ‘Pepito Manaloto’: Kumbaga sa dining, i-wet mo uli ang appetite nila para hindi magsawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending