Nadine Lustre, Ian Veneracion waging best actress at best actor sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal; 'Deleter' itinanghal na Best Picture | Bandera

Nadine Lustre, Ian Veneracion waging best actress at best actor sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal; ‘Deleter’ itinanghal na Best Picture

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 11:36 PM

Nadine Lustre, Ian Veneracion waging best actress at best actor sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal; 'Deleter' itinanghal na Best Picture

Ian Veneracion at Nadine Lustre

PITONG awards ang napanalunan ng horror-suspense movie na “Deleter” sa katatapos lamang na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022.

Ang awards night ay ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, ngayong gabi, December 27, hosted by Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari.

Ang lead star ng “Deleter” na si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress kung saan nakalaban niya sina sina Ivana Alawi (Partners In Crime), Toni Gonzaga (My Teacher) at Heaven Peralejo (Nanahimik Ang Gabi).

Wagi rin ang “Deleter” ng Best Picture (Viva Films), Best Cinematography, Best Editing, Best Visual Effects, Best Sound at Best Director para kay Mikhail Red kung saan nakalaban niya sina Shugo Praico (Nanahimik Ang Gabi), Lester Dimaranan (Mamasapano: Now It Can Be Told), Joel Lamangan (My Father, Myself), at Paul Soriano (My Teacher).

Wagi namang Best Actor si Ian Veneracion para sa pelikulang “Nanahimik Ang Gabi”. Tinalo niya sina Jake Cuenca (My Father, Myself) at Noel Trinidad (Family Matters). Ayon sa aktor, ito ang kanyang kauna-unahang Best Actor award makalipas ang 40 years niya sa showbiz.

Sina Nadine at Ian din ang itinanghal na Stars of the Night.

Nanalo naman sina Dimples Romana (My Father Myself) at Mon Confiado (Nanahimik Ang Gabi) bilang Best Supporting Actress at Best Supporting Actor.

Ang “Mamasapano: Now It Can Be Told” ang nakapag-uwi ng Best Screenplay para sa script ni Eric Ramos.

Ikinalungkot naman ng marami ang pang-iisnab umano ng mga hurado ng MMFF 2022 sa “Family Matters” na inaasahang hahakot ng awards. Tanging ang Gatpuno Antonio J. Villegas Award ang natanggap nito sa Gabi ng Parangal.

Nganga rin ang mga nangungunang pelikula ngayon sa filmfest na “Partners In Crime” nina Ivana at Vice Ganda at “Labyu With An Accent” nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal.

Best Picture: Deleter

2nd Best Picture: Mamasapano: Now It Can Be Told

3rd Best Picture: Nanahimik Ang Gabi

Best Actress: Nadine Lustre (Deleter)

Best Actor: Ian Veneracion (Nanahimik Ang Gabi)

Best Director: Mikhail Red (Deleter)

Best Supporting Actor: Mon Confiado (Nanahimik Ang Gabi)

Best Supporting Actress: Dimples Romana (My Father, Myself)

Best Screenplay: Eric Ramos (Mamasapano: Now It Can Be Told)

Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence: Mamasapano: Now It Can Be Told

Gatpuno Antonio J. Villegas Award: Family Matters

Gender Sensitivity Award: My Teacher

Best Child Performer: Shawn Niño Gabriel (My Father, Myself)

Best Cinematogaphy: Deleter

Best Editing: Deleter

Best Production Design: Nanahimik Ang Gabi

Best Visual Effects: Deleter

Best Original Theme Song: “Aking Mahal” sung and composed by Atty. Ferdinand Topacio (Mamasapano: Now It Can Be Told)

Best Musical Score: Nanahimik Ang Gabi

Best Sound: Deleter

Best Float: My Father, Myself

Marichu Vera-Perez Maceda Memorial Award: Vilma Santos

Nadine kering-kering umariba nang walang ka-loveteam: It’s nice to do projects without relying on a regular partner

Heaven Peralejo sa sexy scenes nila ni Ian Veneracion: He made me feel so comfortable around him

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heaven Peralejo palaban sa pakikipag-love scene kay Ian Veneracion sa ‘Nanahimik Ang Gabi’, aprub naman kay mommy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending