Ria Atayde dream role ang gumanap na may mental disability, gusto ring sumabak sa mga LGBTQ projects
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ria Atayde
KUNG mabibigyan ng pagkakataon, pangarap ng Kapamilya actress na si Ria Atayde ang makapag-portray ng mga role na talagang mate-test ang kanyang versatility as an actress.
Gustung-gusto raw ng girlfriend ni Zanjoe Marudo ang gumanap sa isang teleserye o pelikula na may mental disability dahil feeling niya talagang matsa-challenge ang pagiging aktres niya rito.
Ayon sa anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez, siguradong mapu-push to the limits ang kanyang kakayahan bilang aktres kapag mga ganitong klase ng karakter ang ipagkakatiwala sa kanya.
“Dati sinasabi ko wala akong dream role. Although anything they give me I will take.
“Yung kahit anong maisip nilang bagay sa akin ‘sige game let’s do it.’ Pero personally given the chance, I’d want to portray ‘yung may mental disability,” ang chika ni Ria sa panayam ng “Star Magic Celebrity Conversations.”
Bukod sa pagganap ng may sakit sa pag-iisip, type rin ni Ria na mag-try sa Girls’ Love projects, “Maybe LGBT. Oo, because it’s so far from me.”
Samantala, naibahagi rin ng dalaga kung ano talaga ang ultimate goal niya bilang aktres, yan ay ang tumagal nang bonggang-bongga sa mundo ng showbiz tulad ng kanyang inang si Sylvia.
“My ultimate goal kasi talaga is longevity. Gusto ko nandito ako sa industriya for as long as it would have me. I want to be able to act for as long as I can.
“Not a lot of people can say na ‘yung chosen career nila is something that they are super passionate about.
“And I am so blessed na at the age of 30, I can say that I am happy doing what I do. Super happy doing what I do. I can’t imagine doing anything else,” pahayag pa ni Ria.
Kung hindi kami nagkakamali, huling napanood si Ria sa Kapamilya series na “Viral Scandal” na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Charlie Dizon.
Very soon ay muli siyang eeksena sa bagong ABS-CBN series na “Cattleya Killer” kasama ang kapatid niyang si Arjo Atayde at Jake Cuenca.