Iwa Moto kumampi kay Claudine, pinagsabihan si Marjorie tungkol sa mental illness

By Ervin Santiago November 05,2019
share this

Iwa Moto kumampi kay Claudine, pinagsabihan si Marjorie tungkol sa mental illness

By Ervin Santiago November 05,2019
share this


TRENDING ang dating Kapuso sexy actress na si Iwa Moto matapos akusahan ng netizens na nakikisawsaw sa awayan ng Barretto sisters.

Nagsimula ang pang-ookray ng bashers kay Iwa nang mag-comment siya sa isang Instagram post ni Claudine tungkol sa mental illness bilang sagot sa pahayag ni Marjorie laban sa nakababatang kapatid.

“Take your proper medications please. Nahihilo ka na sa kwento mo,” ang pahayag ni Marjorie kay Claudine na sinagot naman ng aktres ng, “Mock me all you want BUT NOT PEOPLE WITH MENTAL ILLNESS. don’t your children see a psychiatrist?”

Dito nag-comment si Iwa at um-agree sa sinabi ni Claudine, “Hayyy ate people like that should be ashamed. Having mental illness is an everyday battle. I remember us talking about it before. I too am suffering with it.

“Kaya sana wag syang bastos. Or maybe she should see someone also po kasi baka she needs help. No one in their right mind would joke about a disability,” dagdag pa ni Iwa.

Sunud-sunod ang mga negatibong komento na natanggap ng dating aktres mula sa mga supporters nina Marjorie at may mga nagbanta pa na huwag na siyang makisawsaw dahil wala naman siyang kinalaman sa away ng Barretto family.

MARJORIE, CLAUDINE AT GRETCHEN BARRETTO

Resbak naman ni Iwa, maling-mali raw na gawing biro ang pinagdaraanang mental illness ni Claudine, “Mocking someone with mental illness is still wrong. I know shes mad. And I understand that people say mean things when they are mad.

“But ate @claubarretto has been strolling with this for a long time na. And shes mocking her,” aniya pa.

Naging personal din ang atake ng ilang netizens kay Iwa at inakusahan pang inagaw umano si Pampi Lacson sa dati nitong asawa na si Jodi Sta. Maria. Si Pampi ang karelasyon ngayon ni Iwa at maayos na ang samahan nila ni Jodi.

Sinagot din ng dating aktres ang mga haters na tumawag sa kanya ng mang-aagaw at ahas, “Do a math. 9 years na silang hiwalay. 9 years na din ang annulment nila. 7 years pala lng kami. Bwahahahaha. Dear do your research properly para d ka magmukhang mangmang.”

Mas tumindi pa ang pambabastos kay Iwa ng mga netizens dahil sa pagsagot niya sa mga ito. At para matapos na ang issue, muli siyang nag-post ng mensahe at ipinaliwanag kung bakit niya kinakampihan si Claudine.

“All i said is mocking someone with mental illness is wrong. I am not taking sides or anything. People with mental illness is struggling and hurting already.

“If someone is making fun of it FOR ME mali yun. Iba iba tayo ng utak. I just said my piece.

“I hope i made myself clear. Di din ako nakikisawsaw ah. I just feel ate @claubarretto ‘s pain. Especially that comment came from her sister. Double pain yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending