Lotlot nahirapang gawin ang death scene sa ‘Feng Shui’: ‘Hindi ko kasi ine-expect na ako ‘yung patatalunin ni Direk Chito sa bintana!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Boy Abunda at Lotlot de Leon
ILANG beses na naming napanood ang classic at blockbuster horror movie na “Feng Shui” na pinagbidahan nina Kris Aquino, Jay Manalo, Mon Confiado at Lotlot de Leon.
Pero kapag pinanonood uli namin ito ay natatakot at nagugulat pa rin kami. At isa nga sa mga eksena sa pelikula na talagang nagmarka at tumatak sa amin ay ang pagkamatay ni Lotlot.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Lotlot kahapon, nabanggit niya na wala siyang ka-double bilang Alice sa death scene niya sa naturang 2004 hit horror film na idinirek ni Chito Roño.
Natanong kasi ni Tito Boy sa kanyang programa si Lotlot kung ano’ng role ang ginampanan niya sa pelikula na talagang nahirapan siyang gawin.
“I think siguro po yung sa Feng Shui, kasi hindi ko po ine-expect na ako ‘yung patatalunin ni Direk Chito sa bintana,” pag-alala ni Lotlot.
Chika ng aktres, talagang sinabihan siya ng award-winning director na gawin ang nasabing eksena kung saan kailangan niyang tumalon sa bintana at ang babagsakan niya ay patung-patong na case ng Red Horse beer.
“May double ako, so I was expecting na ‘yung double ko ang gagawa nu’ng mga eksena na mabibigat kagaya nung pagsampa sa bintana, at pagkalaglag sa bintana.
“So I was happily watching Direk Chito explain to Kuya Archie Adamos and to my double ‘yung stunts, so tuwang-tuwa ako sabi ko, ‘Ang ganda, ang galing galing naman,’ sabi ni Direk Chito, ‘Lot, nakita mo ‘yon?, ‘Opo, ang galing-galing,’ sabi niya, ‘Gawin mo.’
“Sabi ko, ‘Ha? Alin po doon?’ Sabi ni Direk ‘Lahat,’” ang tawa nang tawang chika ni Lotlot.
Sey ni Lotlot, ginawa niya ang lahat ng instructions ni Direk Chito sa nasabing eksena dahil tiniyak naman ng production ang kanyang safety.
“But when that happened, Tito Boy, I knew I was in safe hands because everyone in the set is really taking care of me.
“Kasi lahat po ng mga eksenang pinagawa sa akin talagang ako po talaga lahat ‘yun, hindi ko rin po akalain na kaya ko rin palang maging stuntwoman,” pahayag pa ni Lotlot.