MAGSASALITA ka ba kung alam mong may inaabusong tao, lalo na kapag ang involved ay mga bata? O, mas gusto mong manahimik na lamang para hindi ka madamay?
Ito ang isa sa mga kasong pinag-usapan sa huling episode ng “CIA with BA” kung saan may isang concerned citizen na humingi ng payo mula sa magkapatid na Sen. Alan Peter at Pia Cayetano, kasama si Boy Abunda
Ano nga ba ang tamang gawin para matulungan ang 14 na taong gulang na babae mula sa kanilang lugar na ginagahasa at inaabuso ng isang mag-ama.
“Kung meron talagang napakasamang nangyayari sa lipunan, minsan ayaw nating pag-usapan kasi masakit, devastating. Pero kapag hindi natin pinag-usapan, lalong mangyayari,” ayon kay Sen. Alan.
“Kapag merong indicators na nakikita, kaibigan ka man, kapitbahay o dumaan ka lamang sa bahay, kapag nakakita ka ng indicators na merong isang batang inaabuso, stand up for that child. Magsumbong. Ipaalam,” ang payo naman ni Tito Boy.
Sang-ayon din sa kanyang mga co-host si Sen. Pia, “Sa pinag-usapan natin na pag may nakita ka nga, pag may pakiramdam ka, may gut feeling, may scientific study daw talaga na ‘yung nararamdaman mo sa tiyan mo, galing ‘yan sa utak mo, eh.”
Pinaalalahanan din ni Sen. Alan ang mga manonood na kapag may suspetsa sila, “Explore mo. Nothing wrong to investigate, to explore. So don’t ignore, but don’t jump to conclusions.”
Ang “CIA with BA,” na unang ipinalabas noong February 5, ay ang pinakaunang public service program nina Senador Alan at Senador Pia bilang mga legal adviser sa telebisyon.
Tuwing Linggo, 11:30 p.m. sa GMA 7, matututo ang mga manonood tungkol sa mga batas ng bansa at paano nakakaapekto ang mga ito sa pang-araw-araw nilang mga buhay.
Ngayong darating na Linggo, May 7, isang pagbabalik-tanaw naman sa mga tumatak na usapin mula sa mga nakaraang episode ng “CIA with BA” ang inyong mapapanood.
Ipinagpapatuloy ng magkapatid na senador ang naiwang legacy ng kanilang pumanaw na ama at orihinal na Compañero na si Sen. Rene Cayetano, na namuno at nag-co-host ng popular na legal advice program na “Compañero y Compañera” sa radyo at telebisyon mula 1997 hanggang 2001.
Willie kay John Lloyd: Ang galing mo, fan mo ako…napakabuti mong tao