Anak ni Pokwang nakakita na ng bagong tatay: ‘Sino si John ha, Malia? Imaginary dada?’

Anak ni Pokwang nakakita na ng bagong tatay: 'Sino si John ha, Malia? Imaginary dada?'

Pokwang at Malia

LAUGH trip ang Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang nang dahil sa pinagsasabi ng anak nila ni Lee O’Brian na si Malia.

Naloka ang komedyana nang bigla lang daw mag-dialogue ang kanyang anak na meron na raw siyang bagong “dada” o tatay.

Sa isang video na ipinost ni Pokie sa kanyang social media account, maririnig na binanggit nga ni Malia na may bago ba siyang tatay at pinangalanan pa niya itong “John.”

Mapapanood sa nasabing video ang bagets naglalaro at iniisa-isa ang kanyang mga favorite na manika at kung sino-sino ang mga ito.

Nang hawakan na niya ang isang manikang lalaki, ang sey ni Malia, “This is John my new dada!”


Sa caption na inilagay ni Pokwang sa ipinost na video, ang nagtataka niyang tanong, “Sino si John ha, Malia? Imaginary dada?

“Ha-hahahahaha! Sige ipag pray natin yang si John para totoo na kailangan galing kay God para bongga!” ang birong hirit pa ni Pokie.

Sey pa ng Kapuso star, super single pa rin siya ngayon pero bukas naman daw ang kanyang puso sakaling may dumating nga na isang tunay na “John” sa buhay niya.

Baka Bet Mo: Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Nitong mga nakaraang buwan, naging laman ng mga entertainment sites at vlogs ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Lee O’Brian.


Talagang basag na basag ang American actor sa mga nakakalokang rebelasyon ni Pokie about him. Tinawag niya itong batugan, palamunin at kung anu-ano pang masasakit na salita.

“Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siyang palamunin at limang taon nang walang child support. And hindi ako iniwan. Tanungin mo siya kung bakit ko siya pinalayas,” ang sagot ni Pokwang sa isang netizen na nagtanong tungkol sa breakup nila ng dating ka-live in.

Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nagsasalita until now si Lee hinggil sa mga akusasyon at pasabog ng dati niyang live-in partner.

Dingdong malungkot sa 6th b-day ni Zia, pero nag-promise sa anak: Sana maintindihan mo si Dada…

Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Read more...