Iza Calzado enjoy na enjoy sa pagiging nanay, tinawag na ‘little dumpling’ ang anak: ‘Napakasarap pala nito’

Iza Calzado enjoy na enjoy sa pagiging nanay, tinawag na 'little dumpling' ang anak: 'Napakasarap pala nito'

Ben Wintle at Iza Calzado

KITANG-KITANG sa mga social media post ng Kapamilya actress na si Iza Calzado ang kanyang abot-langit na kaligayahan ngayong isa na siyang mommy.

Sunud-sunod ang pagse-share ng first-time nanay sa kanyang Instagram account ng mga video at litrato at nila ng kanyang panganay na anak na si Deia Amihan.

Dito nga makikita kung gaano ka-hands on mom si Iza sa “little bundle of joy” nila ng kanyang asawang si Ben Wintle na isa ring proud daddy ngayon.


“Deia — our little dumpling of joy and abundance. One more order please,” ang mailing caption ni Iza sa kanyang IG post.

Sa isa pa niyang Instagram picture, makikita naman ang aktres na karga-karga si Baby Deia Amihan habang pinatutulog.

Baka Bet Mo: Iza emosyonal nang mabanggit ni VP Leni ang yumaong mga magulang: Lord kayo na po ang bahala

Dito nasabi ng celebrity mommy ang mga katagang, “Napakasarap pala nito.” Na ang tinutukoy nga ay ang kanyang pagiging ina.


Nito lamang nakaraang linggo unang ipinakita at ipinakilala nina Iza at Ben ang kanilang baby sa publiko sa pamamagitan ng social media.

“Our little seedling is growing fast. As you turn 3 months old today, we set the intention of nurturing you so that you reach your fullest potential and fulfill your divine purpose in this world,” ang caption na inilagay ni Iza sa litrato ng napaka-cute na anak.

Sa isang panayam, in-explain ni Iza ang napili nilang pangalan para sa unang anak, “Deia is actually a place in Mallorca. And we were there before I announced, and basta nag-post ako sa Instagram na parang sabi ko, ‘Deia, you are so stunning.’ Yung place.

“And then a friend of mine made a comment, ‘Oh you know, if I had a baby girl, I always wanted to name her Deia,’ which made me look up what it meant.

“And it stems from a Latin or Greek term that means goddess or joy. And that resonated with me so, because of course she was already bringing me so much joy at that moment.

“And I was like, ‘Be a goddess.’ Everyone’s a goddess or a god, like in their own right. Like we all have that in us,” aniya pa.

Iza Calzado may pa-sex reveal sa magiging baby: ‘Pretty soon I will have my own child…a little Mary Ann, a little Iza’

Julia sa mga biktima ng pambu-bully: Stand up for yourself at ipagdasal n’yo sila

Read more...