PBA player Javee Mocon pinakasalan na ang dyowang model na si Maica Palo: ‘Your dance moves didn’t fail to make our wedding the most memorable’

PBA player Javee Mocon pinakasalan na ang dyowang model na si Maica Palo: 'Your dance moves didn’t fail to make our wedding the most memorable'

Javee Mocon at Maica Palo

NAGPAKASAL na ang professional basketball player na si Javee Mocon sa kanyang fiancée na si Maica Palo.

Ibinandera ng PBA player at ng kanyang  model bride sa kani-kanilang Instragram account ang kanilang pag-iisang dibdib na naganap sa Baguio Country Club nitong nagdaang Miyerkules, April 26.

Ilang litrato ang ipinost nina Maica at Javee sa kanilang IG page na kuha sa kanilang wedding na dinaluhan ng kanilang respective families at ilang malalapit na kaibigan.


“We wholeheartedly appreciate your presence in our special moments with us,” ang mensahe ng pasasalamat nina Maica at Javee sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa espeyal na araw ng kanilang buhay.

“Your laughter, tears of happiness, and fantastic dance moves didn’t fail to make our wedding the most memorable,” ang bahagi pa ng kanilang IG post.

Si Javee ay naglalaro para sa Phoenix Super LPG Fuel Masters sa Philippine Basketball Association. Bago ito, naging bahagi rin siya ng grupong Rain or Shine Elasto Painters matapos kunin ng koponan noong 2018 PBA Draft.

Itinanghal din siyang NCAA Finals Most Valuable Player (MVP) noong 2018.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer nagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa: Remember your promise, together forever

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang napangasawa ni Javee na si Maica ay isang model at dating naging cover girl ng FHM (For Him Magazine).

Dati rin siyang contract star ng Viva Entertainment na nagma-may-ari na ngayon ng skin clinic at wellness spa.


Naging magkarelasyon sina Javee at Maica noong 2020 at pagsapit ng April, 2022, nag-propose na ang PBA cager sa kanyang girlfriend habang nagbabakasyon sila sa Paris, France.

“When that one person that comes into your life so unexpectedly, so unplanned but changes everything, the whole universe is telling you… she’s the one,” ang bahagi ng IG post ni Javee matapos ang ginawa niyang marriage proposal.

Sey naman ni Maica sa kanyang Instagram post, “April.14, 2022, I decided to marry the love of my life.

“The search is finally over and you got me! Thanks for always making me feel loved, cared for, and special. I love you so much forever!” aniya pa.

Heart Evangelista ibinandera ang pagde-debone ng bangus: I did it but I failed!

Ellen 3 taon nang hindi nagyoyosi, umaming hirap na hirap mag-quit

Read more...