Mga bayaning nurse binigyang-pugay sa advocacy movie na ‘Siglo Ng Kalinga’, members ng cast na first time sumabak sa akting pinalakpakan

Mga bayaning nurse binigyang-pugay sa advocacy movie na 'Siglo Ng Kalinga', members ng cast na first time sumabak sa akting pinalakpakan

Carl Balita kasama ang cast members at production staff ng ‘Siglo ng Kalinga’

ISANG “advocacy and statement” movie ang “Siglo ng Kalinga” na tumatalakay sa buhay ng mga nurse na itinuturing na mga bagong bayani ng bansa dahil sa kanilang sakripisyo ngayong panahon ng pandemya.

Ang “Siglo ng Kalinga” ay base sa buhay ng PNA founder na si Anastacia Giron-Tupas (AGT) at ng iba pang Pinoy nurse na nakasama niya sa ilang taong paglilingkod sa ating mga kababayan. Ito ang paggunita ng isang siglo ng anibersayo ng PNA.

Nitong nagdaang April 14, naganap ang Red Carpet Premiere ng “Siglo ng Kalinga” sa SM Megamall Cinema 3 na dinaluhan ng buong cast members na binubuo ng mga nurse.

Present din dito ang mga members ng healthcare community sa Pilipinas kabilang na ang mga officers ng Philippine Nurses Association na nakatrabaho ng doktor at movie producer na si Dr. Carl Balita.

Bida sa pelikula sina Joy Ras bilang Anna Formantes at Ellener Cruz bilang Anastacia Giron-Tupas. Tampok din sina Estacia Cruz, Tads Obach, Bambi Rojas, VJ Mendoza, Anna Ellescas, Val Ramilo, Cora Anonuevo, Lorrich De Castillo, Jewell Alano, Abbey Romero, Denmark Mismanos, Frances Cuevas, Nerisaa Gerial, Joel Rey Carcasona, Christian Campos, Gilbert Manzano, Aldrin Samson at marami pang iba.


“Nurses are the best actors in real life. They had to look pleasant even in emergencies and other medical or health challenges a patient had to go through.

“They live up to Florence Nightingale’s words — ‘ignite the mind’s spark to rise the sun in you,’” ang pahayag ni Dr. Balita, na isa ring nurse multi-awarded entrepreneur, author at may-ari ng Carl E. Balita Review Center (CBRC).

Baka Bet Mo: Kalinga province nakakuha ng 2 titulo sa ‘Guinness World Records’

Ayon sa manunulat ng pelikula na si Archie Del Mundo, ang kuwento ng pelikula ay tatakbo at mag-uugnay sa buhay ni Tupas at ng mga Filipinong nurse sa kasalukuyan.

“The film is 99% set at present-future. There are a few flashbacks to AGT’s momentous scenes. It’s In medias res (in Latin, it means ‘in the midst of things’. It is the practice of beginning a story in the middle of the action and answering the viewer’s questions through flashbacks or dialogue,” aniya pa.


Sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Lemuel Lorca, ang “Siglo ng Kalinga” ay mula rin sa produksiyon na naghatid sa 2017 na pelikulang Maestra (An Educator) na pinagbidahan nina Anna Luna, Angeli Bayani at ng Queen of Visayan Movies na si Gloria Sevilla.

Ayon pa kay Dr. Carl, “Alam nyo ba na maraming nurses dito ngayon ay job order lang? Kapag ganito, contractual ka lang at walang security of tenure. Tapos inoperan ka ng UK or America, kasama pamilya mo, tatanggi ka ba? Yan po ang reyalidad ngayon.”

In fairness, talagang pinalakpakan ng mga nanood sa premiere ang pelikula lalo na ang mga nagsipagganap dito na first time umakting sa harap ng mga camera. Ang nagkakaisang komento ng audience, parang hindi mga first-timer ang cast members.

Kuwento ni Dr. Carl talagang sumailalim ang lahat ng artistang lumabas sa pelikula sa matinding acting workshops na pinamumunuan ng premyadong aktres na si Angeli Bayani.

Sina Kuh Ledesma at Carl Balita ang kumanta ng theme song ng movie na isinulat ni Vehnee Saturno.

Mapapanood na sa mga sinehan ang “Siglo Ng Kalinga” under Dr. Carl Balita Productions simula sa May 31, with an advance screening on May 12 sa SM Megamall, na sumakto sa pagdiriwang ng International Nurses Day.

Mga Pinoy nurse bibida sa ‘Siglo ng Kalinga’, sumabak sa matinding audition at workshop

Content Creator Nurse Even ‘binara’ ang basher ng kanyang travel pics: ‘Ang hirap mag-apply ng visa tapos pipigilan mo ‘ko?’

Read more...