John Arcilla super excited na sa shooting ng suspense-thriller na ‘The Guest’: ‘Kasi for the first time si Daniel ang kontrabida, ako ang bida’

John Arcilla super excited na sa suspense-thriller na 'The Guest': 'Kasi for the first time si Daniel ang kontrabida, ako ang bida'

Daniel Padilla at John Arcilla

NGAYON pa lang ay super excited na ang award-winning actor na si John Arcilla sa pagsasamahan nilang pelikula ni Daniel Padilla, ang “The Guest.”

Ang “The Guest” ay isang psychological suspense thriller na ididirek ni Jerrold Tarog at sinasabing manggugulat sa madlang pipol dahil sa kakaibang tema at konsepto nito.

Ayon sa premyado at beteranong aktor, atat na atat na siyang simulan ang naturang pelikula dahil talagang nararamdaman na niya yung challenge sa kanyang karakter.

“I’m very excited to work with DJ. Siguro, if anything, gusto ko makita hanggang saan natin puwede dalhin ang kuwento ng character niya, going into darkness.


“Unang-una, sobrang exciting kasi for the first time, si Daniel ang kontrabida rito, ako ang bida. Umiikot kasi sa ganu’ng crisis ‘yung pelikula, so sobrang saya.

“Sinabi pa lang sa akin ‘yung kuwento, unang-una si Daniel Padilla is the number one heartthrob sa Pilipinas. Tapos isa sa pinakabatang best actors sa Philippines,” sabi ni John Arcilla sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “At saka pangalawang importante nga pala, ito ang comeback movie namin. Pagkatapos ng Heneral Luna, ito ang first na movie nagagawin namin so sobrang exciting naman sa akin.”

Baka Bet Mo: John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

Samantala, may patikim naman si Direk Jerrold sa kuwento ng “The Guest”, “It’s more of a psychological suspense thriller. And I’m kind of imagining it as a modern film noir.

“Marami siyang mga twists and turns. Bilang nasa puso ko ‘yung kadiliman medyo mindfuck na pelikula siya,” pahayag ng direktor sa naganap na “New Movie Alert: Daniel” event last April 27.


“I’m very excited to work with DJ. Siguro, if anything, gusto ko makita hanggang saan natin puwede dalhin ang kuwento ng character niya, going into darkness,” aniya pa.

Sabi naman ni Daniel patungkol sa bago niyang project, “Very excited, siyempre it’s been a while. Itong mga proyekto na gagawin natin ngayon is handpicked, nag-usap talaga kami (ng ABS-CBN) na-feel din nila yung gusto kong gawin. Maybe now is the perfect time.”

“I’m so very happy and honored na makakasama ko rito si Sir John Arcilla. I am very excited na gawin tong film kasi napakahusay na aktor, and kung ganyan ang makakatrabaho mo, it just pushes you to do better pa.

“Matagal ko nang gustong gawin ito. I’m a fan of thrillers, suspense, kumbaga mind f**k. Matagal na akong naghahanap ng ganitong project,” sabi pa ni Daniel.

Anytime soon ay magsisimula na ang shooting ng “The Guest” mula sa Black Sheep Productions at nakatakdang ipalabas sa 2024.

Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea

John Arcilla shookt din sa isyu ng #MaJoHa sa PBB: Kaya siguro lutang ang isip ng kabataan pagdating sa kasaysayan ay dahil…..

Read more...