Paolo Contis manhid na manhid na sa pangnenega ng bashers; payag makatrabaho uli si Yen Santos kung…
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Yen Santos at Paolo Contis
MANHID na ang Kapuso actor at host na si Paolo Contis sa mga pamba-bash at panlalait sa kanya sa social media, lalo na sa mga pangnenega sa kanya ng mga netizens dahil sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes.
Nadagdagan pa ang galit sa kanya ng publiko mula nang lumantad sila ni Yen Santos at ibandera sa buong universe ang kanilang pagmamahalan.
“Sabi ko nga I know the things that I did. Nagsorry na ako. Again, I’m working on changing myself which I don’t post and I don’t need to inform everyone what I’m doing.
“So yung peace na yun, nasa utak ko. Work helps me concentrate more. Suwerte ako na ang GMA at MavX ang kino-consider nila ay yung talento na dinadala ko at hindi yung personal kung pinagdadaanan.
“Yes, of course, you get reprimanded at napagsasabihan ka. But at the end of the day, alam naman nila na I deliver. I don’t get bothered by bashings especially if these people don’t really matter to me,” ang pahayag ni Paolo sa isang interview.
Pagpapatuloy pa niya, “Everyone is entitled to their own opinion based on the facts that they know kung ano lang na ang na-present sa kanila.
“Ilang tao lang talaga ang nakaka-alam ng tunay na facts. So kung yun ang tingin nila, then so. be it. Minsan yung criticism sa akin offensive na but it’s their prerogative,” chika pa ng aktor.
“Naniniwala ako na nag-mature na ang mga audience. I’m not saying all bashers are trolls. But then again, they will always say what they want because they can. It’s very easy for them to criticize everyone.
“They will always be there. Pero if there’s a movie regardless of how much they hate you, they will still watch it,” mariin pa niyang sabi.
Sa tanong kung posible pa bang magkasama pa sila ni Yen sa isang project, “If there’s a project, why not? Work is work. If there’s a project that we want to do, why not?”