Martin del Rosario sa tanong kung bakit may mga nagtsi-cheat: ‘Siguro kapag hindi ka na masaya o napagod ka na’

Martin del Rosario sa tanong kung bakit may mga nagtsi-cheat: 'Siguro kapag hindi ka na masaya o napagod ka na'

Martin del Rosario

NAG-SHARE ng ilang lovelife lessons ang Kapuso actor na si Martin del Rosario, partikular na sa hot na hot na isyu ng pagtataksil at panloloko.

Isa si Martin sa mga bibida sa upcoming movie na “The Cheating Game” kaya naman sa isang panayam, nahingan siya ng kanyang saloobin sa palaging tanong na “why people cheat?” Bakit nga ba may mga taong mas pinipili ang manloko ng partner kesa maging loyal at faithful.

“Siguro kapag ‘di ka na masaya, or pagod ka na, parang feeling mo, ewan ko. Usually ganu’n e, kapag hindi na masaya ‘yung tao, nagtsi-cheat,” paliwanag ni Martin sa “Mornings with GMA Regional TV.”


Dagdag pa ng binata, kahit pa parehong hindi na masaya ang magkarelasyon sa kanilang pagsasama, hindi pa rin ito valid reason para magloko at magtaksil.

“Kung hindi na masaya, pag-usapan niyo. ‘Malungkot ako, or nasasaktan ako, ‘di na ‘ko masaya kasi ganito, ganito, ganito.’

Baka Bet Mo: Wish ng nanay ni Vice: Sana magka-baby ka para may tagapagmana ng naipundar mo

“Kung mature talaga kayo, pag-uusapan niyo kung ano ‘yung problema at aayusin niyo kahit gaano kahirap ‘yun.

“Kahit ‘yung mga points niyo, kunyari black and white, nasa opposite talaga, pero kung mahal niyo ang isa’t isa, magmi-meet kayo half-way,” esplika ni Martin.


Pero mapapatawad pa ba niya at matatanggap muli sakaling lokohin siya ng kanyang dyowa? “Depende sa tao yan. Kasi may kilala ako, nakakapagpatawad, bibigyan ka ng second chance, basta makikita mo ‘yung tao, willing magbago.

“Pero meron iba na ‘Tapos na,’ nangyari na ‘yun, hindi na siya kausap-usap pa. Pero kung siguro ako, depende du’n sa tao e, depende sa kapartner ko e, kung tingin ko kaya pang isalba ‘to o hindi na,” aniya pa.

At sa usapin ng “second chance”,  “Magbigay ng second chance, hindi ako makakapagsagot ng tapos, e.

“Mahirap e, kasi depende sa sitwasyon, depende sa tao, depende sa relationship niyo kung gaano katagal. Iwe-weigh mo kasi ‘yung mga ganu’ng bagay, e,” sey pa ng Kapuso actor.

Ang “The Cheating Game” ay pinagbibidahan nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

Bea tinawagan agad si John Lloyd tungkol sa kumakalat na ‘fake news’: We both agreed na hindi kami magpapaapekto

Albie Casino walang time magkadyowa; may 4 na katangiang hinahanap sa isang babae

Read more...