SUNSHINE wala nang balak magdyowa: Mas gusto kong magkaroon ng bahay, lupa at mga negosyo! | Bandera

SUNSHINE wala nang balak magdyowa: Mas gusto kong magkaroon ng bahay, lupa at mga negosyo!

Ambet Nabus - October 14, 2013 - 03:00 AM


Speaking of family, hindi man daw mabuo gaya ng dati ang kanyang pamilya, nakakasiguro naman daw si Sunshine Cruz na in the future ay may maayos na konsepto ng pamilya ang mga anak nila ni Cesar Montano.

“They are very smart children and God-fearing. Everything we taught them is given the right value kaya hindi sila lalaking confused o parang nalilito dahil sa nangyari sa amin ng tatay nila,” tsika ni Sunshine nang makausap namin sa re-launch niya bilang Ever Bilena endorser.

Consistent si Sunshine na walang balikang mangyayari sa kanila ng aktor-direktor kahit pa sabihing for the sake of their children.

Basta malinaw ang arrangement tungkol sa mga respective rights nila as parents, gagawin daw niya ang mga dapat na gawin bilang nanay at kaibigan ng mga anak niya.

“Kaya nga subsob sa trabaho. I am planning to buy a house talaga for us and with the projects my manager (tito Alfie Lorenzo) is giving me now, mukhang next year ay matutupad ko na yung goal na makabili ng house,” pagtatapat pa nito.

Balik-Ever Bilena nga si Sunshine at sa tingin namin ay tunay na hindi nagkamali ang kumpanya dahil at 36 years old, marami pa ring patatabuing young stars ang aktres.

In fairness naman kay kaibigang Cesar, masasabi nating mahusay din niyang na-alagaan ang aktres sa maraming taon din nilang pagsasama.

Wala raw siyang time para sa mga manliligaw dahil bukod sa dream niyang makapagpundar ng bahay, lupa at negosyo, mas feel na lang niyang ubusin ang kanyang panahon sa mga anak nila ni Buboy.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending