Dingdong Dantes ibinuking ang ugali ni Tirso Cruz III; ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA 7 extended sa mga sinehan
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Tirso Cruz III at Dingdong Dantes
MAY mini-reunion sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at multi-awarded actor Tirso Cruz III sa GMA upcoming series na “Royal Blood.”
Unang nagkatrabaho ang dalawang premyadong aktor sa seryeng “Sana ay Ikaw Na Nga” noong 2002. Nagkasama rin sila sa hit series na “Endless Love” taong 2010.
Ngayon, mapapanood naman sina Dingdong at Tirso bilang mag-ama sa bagong murder mystery drama ng Kapuso Network.
Ayon kay Dingdong, “Nu’ng malaman ko na makakasama ko siya sa Royal Blood, sobrang saya!”
“Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan, and at the same time very funny.
“Iyon ‘yung pinakamahalaga kasi talagang hindi pwedeng palaging serious dahil mahirap ‘yung trabahong ginagawa.
“Kahit paano we have time to laugh and take things lightly and that’s what he provides,” dagdag pa ng Kapuso Primetime King.
Sa nanyang IG post ng aktor ay tinawag niyang “reunion” ang muling pagsasama-sama nila sa “Royal Blood” ng ilan sa kanyang mga nakatrabaho noon sa GMA 7.
“From TGIS to Sana Ay Ikaw Na Nga, to Encantadia, to My Beloved, to Alyas Robinhood, to Stairway to Heaven, to Alternate— I’ve had the pleasure of working with almost all of the cast, staff, and executives over the past 25 years! And now, I’m thrilled to collaborate with the incredible talents of Lianne and Rabiya for the first time.
“And so here we are, all set for our latest project, Royal Blood. It’s a juicy family drama that will have you on the edge of your seat, guessing whodunit until the very end— think Knives Out (or Widow’s Web)…but with a regal twist!
“We’ll be filming soon, and I can’t wait to work with these brilliantly talented folks behind the scenes. Stay tuned for more updates! #RoyalBlood,” ang pahayag pa ni Dong.
Abangan ang “Royal Blood” soon sa GMA Telebabad.
* * *
Dahil sa overwhelming support ng mga Kapuso, extended na sa lahat ng SM Cinemas ang “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience!”
Pwede pang humabol sa mga sinehan at panoorin ang pasilip sa unang tatlong linggo ng “Voltes V: Legacy” hanggang May 2 sa lahat ng SM Cinemas nationwide.
Dahil diyan, tuwang-tuwa ang diehard fans ng hit anime. Nabasa namin ang ilang comments ng netizens sa Facebook page ng “Voltes V: Legacy.”
“Nice! Congrats! Watched it thrice already. And looking forward to the series starting May 8!!! Sana mapanood ko ulit, ‘di nakakasawa! Love it.. Ganda talaga kahit ulit-ulitin mang panoorin worth it ‘yung matagal na paghihintay!” ang papuri ng isang netizen.
“Pang-Hollywood ang datingan! Forda win! Sobrang pang world class. Pwedeng-pwede nang makipagsabayan internationally. Congrats GMA 7. Kudos to Voltes V team!”
Samantala, abangan din ang world premiere ng “Voltes V: Legacy” sa GMA Telebabad sa darating na May 8.