7 years na kami: Dingdong inalala ang 'tindig balahibo' moment sa kasal nila ni Marian | Bandera

7 years na kami: Dingdong inalala ang ‘tindig balahibo’ moment sa kasal nila ni Marian

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

7 years na kami: Dingdong inalala ang ‘tindig balahibo’ moment sa kasal nila ni Marian

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 03:02 PM

Dingdong Dantes at Marian Rivera

NGAYONG araw ipinagdiriwang ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang 7th wedding anniversary.

Pitong taon na nga ang nakalilipas mula nang magpakasal ang DongYan noong Dec. 30, 2014, sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City na dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa loob at labas ng showbiz.

In fairness, isa kami sa mapapalad na naimbitahan sa tinaguriang DingYan Royal Wedding at talaga namang mapapanganga at mapapa-wow ka na lang sa napakabonggang kasal at reception nina Marian at Dingdong.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso Primetime King ng isang wedding photo nila ng asawa bilang pagse-celebrate ng kanilang 7th anniversary bilang husband and wife.

Aniya sa caption, “One of the highlights of our wedding day for me was Marian’s walk.

“She was accompanied by the majestic voices of the Ateneo and La Salle Boy’s choir to the tune of Angelo Badalamenti’s The Beach theme score, as orchestrated by my grade school music teacher Ms. Daisy Marasigan,” mensahe ng award-winning actor.

Aniya pa, “Their faces may be defocused as seen in this shot, but the memory of how glorious and magical that moment was is a core memory of mine and will forever have that ‘tindig balahibo’ mark. That was seven years ago. Happy anniversary, @marianrivera,” sey pa ng aktor.

Samantala, nagbahagi rin si Marian ng litrato nila ng kanyang hubby para sa kanilang anniversary na may mensaheng, “Today, tomorrow, always. #HappyAnniversaryDada!”

Kung matatandaan, halos isang taon lamang ang lumipas matapos silang ikasal ay biniyayaan na agad sila ng anak. 

Isinilang ni Marian noong 2015 ang panganay nilang si Maria Letizia Dantes o Zia. At noon namang April 16, 2019, ipinanganak ng aktres ang second baby nila ni Dong na si Jose Sixto Dantes IV or Ziggy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko
https://bandera.inquirer.net/297667/dingdong-miss-na-miss-na-si-misis-at-2-anak-marian-payag-na-ba-sa-faceface-classes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending