Tracy Maureen Perez naghahanda na sa pagsabak sa showbiz, wish makatambal si John Lloyd Cruz | Bandera

Tracy Maureen Perez naghahanda na sa pagsabak sa showbiz, wish makatambal si John Lloyd Cruz

Ervin Santiago |April 30,2023
facebook
share this

Tracy Maureen Perez naghahanda na sa pagsabak sa showbiz, wish makatambal si John Lloyd Cruz

Ervin Santiago - April 30, 2023 - 07:13 AM

Tracy Maureen Perez naghahanda na sa pagsabak sa showbiz, wish makatambal si John Lloyd Cruz

Tracy Maureen Perez

PARAMI nang parami ang mga kababaihang sumasailalim ngayon sa cosmetic surgery o pagpaparetoke.

In fairness, parang normal na lang at hindi na big deal sa mga Filipino ang magpabago at magpa-enhance ng itsura tulad ng ginagawa ng mga sikat na celebrities.

Pero marami pa rin naman ang naniniwala na kahit iba-iba ang itsura ng mga tao sa mundo, may kanya-kanyang kagandahan at kaguwapuhan ang bawat indibidwal kaya hindi na kailangan pa ang pagpaparetoke.

Para kay Miss World-Philippines 2021 Tracy Maureen Perez, “beauty is subjective.” Feeling ng dalaga, halos lahat ng kababaihan ngayon ay very open na sa pagpapakita ng kanilang individuality.

“I’d like to think of myself as beautiful and use it in a way na hopefully ma-encourage ko and ma-inspire ko rin ‘yung mga bata to look at me,” ang pahayag ng proud morena beauty queen na isa na ring endorser ng skin care products.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tracy Maureen Perez (@tracymaureenperez)


Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ako maputi. Usually when we talk about skincare, usually mapuputi. I think I’m one of the few endorsers na proudly morena.

“These young children need representation. Pumunta ka ng probinsya, halos lahat morena.

Baka Bet Mo: Bossing ibinandera ang pagiging BTS Army ni Tali; mas madaldal pa raw kay Pauleen

“Gusto kong tumingin sila sa akin, makita nila ako sa TV (at ibandera nila sa buong universe), ‘Morena siya. Pero maganda siya.’ Gusto kong ma-realize nila na maganda rin sila,” pahayag ng Cebuana beauty queen.

Aminado rin siya na pinagdudahan din niya ang kanyang kakayahan noong talagang kulang na kulang pa ang kanyang self-confidence.

“Before I became Miss World Philippines, it took me three tries. In my journey towards healing and also being more confident in my own skin, na-realize ko na ‘yung pamilya ko at friends ko naniniwala na maganda ako.

“Bakit hindi ko kayang makita sa sarili ko. So beauty is subjective. Dapat magsimula ‘yun sa sarili niyo,” pahayag ng dalaga.

Samantala, sa nasabi ring panayam, nabanggit ni Tracy na open din siya sa pagsabak sa mundo ng showbiz at kung mabibigyan siya ng chance gusto niya itong subukan.

Sa katunayan, sumailalim na siya sa acting workshop bilang paghahanda sa kanyang pag-aartista. Isa raw sa mga gusto niyang makatambal sakalıng mabigyan ng chance ay si John Lloyd Cruz.

Beauty Gonzalez binabagyo ng swerte; sunud-sunod na ang teleserye, parami pa nang parami ang endorsement

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray nakabili ng mga ari-arian dahil sa patuloy na pang-ookray ng bashers; Beauty parami nang parami ang endorsements

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending