Kiray nakabili ng mga ari-arian dahil sa patuloy na pang-ookray ng bashers; Beauty parami nang parami ang endorsements | Bandera

Kiray nakabili ng mga ari-arian dahil sa patuloy na pang-ookray ng bashers; Beauty parami nang parami ang endorsements

Ervin Santiago |March 28,2023
facebook
share this

Kiray nakabili ng mga ari-arian dahil sa patuloy na pang-ookray ng bashers; Beauty parami nang parami ang endorsements

Ervin Santiago - March 28, 2023 - 06:42 AM

Kiray nakabili ng mga ari-arian dahil sa patuloy na pang-ookray ng bashers; Beauty parami nang parami ang endorsements

Kiray, Celis, Beauty Gonzalez, Anne Barreto, Katrina Aguila at Red Era

KUNG may isang female celebrity na ayaw talagang tantanan ng mga bashers at haters sa social media yan ay walang iba kundi ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis.

Pero ayon kay Kiray, sanay na sanay na siya sa mga trolls sa socmed kaya wala hindi na niya pinapatulan ang mga ito. Sa katunayan, ine-enjoy pa niya ang pamba-bash sa kanya ng netizens dahil kumikita pa raw siya sa mga ito.

Sey ng komedyana, habang parami nang parami ang nanglalait at nangnenega sa kanya palaki naman nang palaki ang kinikita niya sa social media kaya ang hamon niya sa mga haters — bash pa more!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


In fairness, dahil daw sa ginagawang pamba-bash at pambu-bully sa kanya ng netizens ay nakapagpatayo na siya ng apartment at nakabili na rin ng iba pang properties para sa kanyang pamilya.

“Happy pa rin ako sa kanila, kasi hanggang ngayon ayaw pa rin silang tumigil, sinusundan pa rin nila ako. Saka ang nakakatawa, kilalang-kilala pa rin nila ako.

“Kaya maraming, maraming salamat dahil hanggang ngayon hindi n’yo ako nakakalimutan,” ang pahayag ng dalaga nang makachikahan namin kamakailan sa special event ng Hey Pretty Skin na pag-aari ni Anne Barreto.

Hiningan din namin si Kiray ng mensahe sa lahat ng haters niya, lalo na yung mga nanglalait sa kanyang mga bikini photos sa social media.

“More! I want more! Alam n’yo sa totoo lang, maraming salamat kasi dahil sa inyo hindi pa rin ako nawawalan ng trabaho kaya thank you very, very much.

“Alam n’yo nang dahil sa mga bashers nakabili na ako ng bahay para sa mama ko, gusto ko pa!” ang tawa nang tawang chika pa ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Rendon Labador kay Toni Fowler: Sana irespeto mo ‘yung future ng anak mo

Samantala, kinumpirma rin ng komedyana na may ginawa siyang international series na malapit nang mapanood ng madlang pipol kung saan makakasama niya ang mga bigating artista.

“Last time ginawa ko yung ‘Return To Paradise’ sa GMA with Ms. Eula Valdes, Derrick Monasterio and Elle Villanueva.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


“Tapos, meron akong…hindi pa kasi pwedeng i-announce e, pero may international series. Ginawa siya rito at talagang mga bigating artista ang makakasama ko tapos sa international siya ipapalabas,” pagbabahagi pa ng komedyana.

Nakausap nga namin si Kiray sa naganap na announcement about the partnership of Hey Pretty Skin and Rising Era Dynasty Inc., na dinaluhan ng mga staff, employees and resellers ng dalawang kumpanya.

Nagpatotoo kasi ang komedyana sa mga produkto ng Hey Pretty Skin ng batambatang CEO na si Anne Barreto na talaga raw ginagamit niya religiously kaya naman in fairness, masasabi na ring super kutis artista na siya.

Present din sa event si Mr. Red Era, ang CEO naman ng Rising Era Dynasty o RED na makaka-collaborate nga ni Ms. Anne sa kanyang business sa pamamagitan ng pagsu-supply at paggamit ng mga organic ingredients sa kanilang mga ipinagmamalaking produkto.

Sa ngayon, katuwang nila sa pagpapalaganap ng kanilang mga produkto at serbisyo ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez bilang kauna-unahan nilang celebrity brand ambassador.

Ayon kay Anne, balak din nilang kumuha ng iba pang ambassador kapag mas lumaki at mas lumawak pa ang kanilang company pero aniya, naniniwala siya na maraming maitutulong si Beauty sa kanilang kumpanya.

In fairness, naniniwala kami na effective endorser si Beauty dahil sa dami ng mga kumukuha sa kanya para maging ambassador ng kanilang mga products and services.

Bossing ibinandera ang pagiging BTS Army ni Tali; mas madaldal pa raw kay Pauleen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia nagugulat sa gastos sa bahay: ‘Ay, may nagli-leak! May sirang ilaw! Yung kitchen, yung gas, yung tubig, yung kuryente!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending