Yllana Marie Aduana mula sa Siniloan, Laguna waging Miss Philippines Earth 2023 | Bandera

Yllana Marie Aduana mula sa Siniloan, Laguna waging Miss Philippines Earth 2023

Armin P. Adina - April 29, 2023 - 09:40 PM

Yllana Marie Aduana mula sa Siniloan, Laguna waging Miss Philippines Earth 2023

Yllana Marie Aduana. Miss Philippines Earth/ Youtube

DINAIG ni Yllana Marie Aduana mula sa Siniloan, Laguna ang 28 iba pang kalahok para sa korona bilang Miss Philippines Earth 2023 sa pagtatapos ng coronation night na itinanghal sa Toledo City Sports Center (Megadome) sa Toledo City sa lalawigan ng Cebu ngayong Abril 29.

Tinanggap niya ang titulo mula kay Jenny Ramp, na nagtapos sa Top 20 ng 2022 Miss Earth pageant, at siya ngayon ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa pandaigdigang patimpalak sa Vietnam ngayong taon.

Mula nang sumiklab ang COVID-19 pandemic sa unang kwarter ng 2020, ito ang unang pagkakataon na natipon ng pambansang patimpalak ang lahat ng mga kandidata sa isang entablado. Hindi tulad ng ibang beauty contests na nagkaroon ng pandemic pause, nagpatuloy ang organizer na Carousel Productions sa pagsasagawa ng patimpalak noong 2020, 2021, at 2022.

Virtual ang pagsasagawa sa mga patimpalak noong 2020 at 2021, ngunit nakapagsagawa pa ng in-person na screening ng mga aplikante noong wala pang mga pagbabawal na ipinapataw bunsod ng pandemya. Para sa edisyon noong 2022, nakapagtanghal na ng aktwal na patimpalak ang organisasyon, ngunit ang Top 20 lang ang naanyayahan sa yugtong iyon. Nagkaroon pa rin ng virtual na preliminary contests noong taong iyon, kung saan nakibahagi ang lahat ng 34 kandidata.

Katulad noong mga nagdaang edisyon, apat na “elemental titles” ang ignawad sa apat na reyna ngayong taon. Miss Philippines Earth-Air si Kerri Reilly mula sa Mangatarem, Pangasinan, habang hinirang namang Miss Philippines Earth-Water si Jemimah Joy Zabala mula sa Puerto Princesa, Palawan.

Baka Bet Mo: Miss FIT PH Yllana Marie Aduana nakita na ang 28 naghahangad sa korona niya

Napunta naman ang titulong Miss Philippines-Fire kay Sha’uri Livori mula Fil Comm Melbourne Australia, habang binuo naman ni Athena Auxillo mula sa Toledo City, Cebu ang hanay ng mga reyna bilang Miss Philippines-Ecotourism.

Tinatag ang Miss Philippines Earth pageant at ang katuwang na pandaigdigang patimpalak na Miss Earth noong 2001 upang isulong ang environmental awareness. Binansagang “beauties for a cause” ang mga reyna, na inaasahang makikiisa sa mga proyektong naglalayong mapangalagaan ang daigdig.

Pilipinas ang pinakamatagumpay na bansa sa Miss Earth pageant na may apat na reyna—sina Karla Paula Henry noong 2008, Jamie Herrell noong 2014, Angelia Ong noong 2015, at Karen Ibasco noong 2017—na may iba pang nagtapos bilang elemental queens.

Huling nakapasok sa Top 4 ang isang Pilipina noong 2020 nang tanggapin ni Roxie Baeyens ang korona bilang Miss Earth Water. Hindi lamang tatangkain ni Aduana na maibalik ang Pilipinas sa huling yugto ng patimpalak, kundi maitala rin ang ikalimang panalo ng bansa.

Related Chika:
Yllana Marie Aduana nase-sepanx sa korona bilang Miss FIT PH

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss FIT PH Yllana Aduana nakita na ang 28 naghahangad sa korona niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending