Newlywed couple tagumpay na naibalik ang gold ring ni 'Letty', may nakakaantig na istorya | Bandera

Newlywed couple tagumpay na naibalik ang gold ring ni ‘Letty’, may nakakaantig na istorya

Therese Arceo |April 29,2023
facebook
share this

Newlywed couple tagumpay na naibalik ang gold ring ni ‘Letty’, may nakakaantig na istorya

Therese Arceo - April 29, 2023 - 08:27 PM

Newlywed couple tagumpay na naibalik ang gold ring ni 'Letty', may nakakaantig na istorya

NAIBALIK ng newlywed couple na sina Fritz at Sheine Sapon ang nawawalang singsing ni Mommy Letty sa tulong ng social media.

Nitong Martes, April 26, ibinahagi ni Fritz sa kanyang Facebook account ang larawan ng natagpuan nilang singsing sa isang coffee shop sa Marikina.

“Based on the details in the ring, it could be a wedding ring of someone who has been married for a long time, thus, it might have sentimental value,” pagbabahagi ni Fritz.

At para sa kanilang newlywed at talagang mga hopeless romantic, nais nilang maibalik kay “Letty” ang kanyang nawawalang singsing.

Ngunit tila may plot twist talaga ang tadhana dahil walang pang 24 oras nang i-post ni Fritz ang larawan ay nahanap na agad sila nito.

Pagkukwento niya, nag-message raw sa kanya ang daughter-in-law nito at ikinuwentong hindi napansin ng kanyang Mommy Letty na nawala ito sa kanyang daliri nang maghugas ito ng kamay sa restroom.

Napatunayan rin ng mga ito na sila nga talaga ang may-ari ng singsing dahil maliban sa mga detalye nakalagay sa singsing na kanilang sinabi ay may resibo pa ito mula sa naturang coffee shop.

Baka Bet Mo: Kumikinang-kinang na singsing ni Julia Montes pinagdiskitahan ng netizens: ‘Engagement ring na yarn?’

“The owner of the Letty ring is her late husband, Tatay Avel. She has a partner ring naman with Tatay Avel’s name on it. Both rings have the same engraved dates. Tatay Avel passed away in 2000, and Mommy Letty has been holding on to Tatay Avel’s ring ever since,” pagbabahagi ni Fritz.

Nagkita sila sa parehas na coffee shop kung saan nila nagtagpuan ang singsing. Nagkwentuhan sila at dito nila nalaman na isa palang retired teacher ang may-ari ng gold ring.

“Mommy Letty is a retired public school teacher. Mahilig sya sa K-drama. In fact, favorite nya si Jung Hae-In. She is a good-natured woman who has a vibrant taste for life. She also loves to travel,” lahad ni Fritz.

Ibinahagi rin nila na ang petsang naka-engrave sa singsing ay May 18, 1969 na nangangahulugan lamang na matagal na nitong iniingatan ang singsing.

“If you’re holding on to something that old, mag-54 years na po this May, masakit na mawala ito. Kaya it’s an honor for us to have returned the ring to its rightful owner,” hirit pa ni Fritz.

Super happy naman ang mga netizens at may mga naantig rin ang puso habang binabasa ang kwento ng newlywed couple.

“Teary-eyed while reading your story. Job well done! God bless your beautiful soul,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Letty is a good teacher . And a good friend. Happy she found the ring precious to her! Thank you Fritz and Sheine Sapon!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang kwento na naman ito na nagpapatunay kung gaano ka-powerful ang social media lalo na kung ito ay ginagamit sa tamang paraan.

Related Chika:
Ilang celebrities, netizens naki-join sa viral filter na ala-‘Barbie’ poster

Pictorial na inspired sa ‘The Last of Us’ viral na, tribute sa pumanaw na kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending