NAG-TRENDING sa social media ang pagbabalik-trabaho ng actress-TV host na si Kim Chiu sa noontime show na “It’s Showtime.”
Magugunitang mahigit isang linggo nang mawala sa nasabing programa ang aktres dahil nagkasakit ang kanyang Ate Lakam at na-confine pa sa ospital.
Nitong April 28 lamang nang nakabalik sa pagho-host si Kim at masaya niya itong ibinandera sa kanyang Instagram account.
Inihayag pa niya na mas naging makahulugan para sa kanya ang opening song ng programa matapos harapin ang naging pagsubok sa kanyang pamilya.
Caption niya, “‘Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw.’ This line hits different now [emojis].”
Sey pa niya, “Today I am back with my showtime fam, after more than a week of being scared and wary. As the saying goes ‘There is no limit to what our limitless God will do in response to our limitless faith’ [white heart emoji].”
Bukod sa mga nagdasal, pinasalamatan niya rin ang Diyos dahil gumaling na ang kanyang Ate.
Baka Bet Mo: Kim Chiu ‘greatest weapon’ sa buhay ang pagrorosaryo: ‘Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ako binitawan ng Panginoon’
“Thank you God for another day to witness your miracles and blessings. [red heart emoji] God is great, God is powerful. Thank you Lord for healing my ate @kamchiu [white heart emoji],” Lahad niya sa post.
Aniya pa, “Thank you everyone for all the prayers [folded hands emoji].”
Kung maaalala, nahaluan ng lungkot ang masaya sanang pagdiriwang ng ika-33rd birthday ng Kapamilya TV host-actress dahil nataon diyan ang pagkakasakit ng panganay niyang kapatid.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, super close talaga sila ng kanyang Ate.
Matatandaang vocal na vocal ang aktres sa kung gaano niya kamahal ang kapatid dahil ito ang nagmistulang gabay at sandalan niya nang pasukin ang showbiz.
Related Chika:
Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo