Piolo Pascual inaming feeling empty nang matamo ang peak ng career: ‘Walang meaning ‘yung buhay’

Piolo Pascual inaming feeling empty nang matamo ang peak ng career: 'Walang meaning 'yung buhay'

AMINADO ang Kapamilya A-lister na si Piolo Pascual na nakaramdam siya ng “emptiness” sa buhay sa kabila ng kanyang pagiging successful sa career.

Sa kanyang pahayag kay Amy Austria na mapapanood sa YouTube channel ng huli, ibinahagi ng aktor ang mga personal na pangyayari sa kanyang buhay.

Matatandaang sunud-sunod ang naging acting awards noon ni Piolo para sa pelikulang “Dekada ’70” na ipinalabas noong 2002, ito rin ang panahong peak ng kanyang career.

“I remember vividly in my room, sabi ko, ‘Ito yung pinapanood ko lang nung bata ako. Yung mga awards night.’

“Ang gaganda ng mga trophy and I won all of them. Nakikita ko po yun sa kuwarto ko na mag-isa,” pagbabahagi ni Piolo.

Ngunit sa kabila ng mga napanalunan, sa kabila ng mga selebrasyon, tila hindi mahanap ng aktor ang halaga nito.

Pagpapatuloy ni Piolo, “After the party, after the celebration, I remember holding one trophy, sabi ko, ‘Ito na ba yon? Ito na ba yung pinagtrabahuan ko?’ Parang, ‘How come I feel so empty? How come parang walang value?’

“And that’s when I started questioning. That’s when I asked the Lord. Sabi ko, ‘Ano ba yung meaning ng ginagawa ko? Why am I here? What is my purpose?’”

Sa kaparehong taon ay ginawa ni Piolo ang pelikulang “9 Mornings” kung saan nakasama niya si Donita Rose.

Aniya, noong birthday raw niya ay niregaluhan siya ng aktres ng bibilya na tila nagsilbing senyales niya.

“Yun po yung parang naging sign for me to look for something I didn’t know yet,” sey ni Piolo.

Sa sumunod na taon naman ay bumida siya sa Kapamilya teleserye na “Sa Puso Ko Iingatan ka” kasama si Judy Ann Santos.

Baka Bet Mo: Hugot ni Piolo sa pagiging single: ‘Hindi porket kumakain mag-isa malungkot na, di ba puwedeng nagtitipid lang?’

Kasama rin niya sa proyekto ang beteranang aktres na si Coney Reyes na siyang pumilit sa kanya na sumama sa kanilang church.

Dito na nga nagsimulang sumali at dumalo si Piolo sa Victory na isang Christian fellowship.

“I surrendered my life to the Lord,” sabi niya at doon na raw niya nalaman ang purpose ng Bible na siyang naging gabay niya sa araw-araw.

Hindi lang pagbabasa ng Bibliya ang ginagawa ni Piolo dahil uma-attend rin siya sa mga discipleship.

Dito ay unti-unting nadiskubre ng Kapamilya actor ang kanyang purpose sa buhay.

“Ah, kaya ka pala gusto kong mag-artista, kaya ka pala gusto ko tong gawin, to find purpose and meaning to my life,” kuwento ni Piolo.

Napunan rin ang nararamdamang kulang ng aktor sa kanyang puso nang sumali sa Christian fellowship.

Lahad ni Piolo, “When I surrendered my life to the Lord, I was at the peak. And that’s when I felt most empty. Yung irony lang po nun, na akala mo you’re the king of the world and yet inside you, there’s void in my heart.

“Don ko na-realize na ito ang purpose ng buhay: to serve the Lord and do His will and follow His purpose to your life.”

Sa pagiging Christian ni Piolo ang kapayapaan na hanap ng kanyang puso.

“When I became a Christian, I had more peace knowing no matter what happens, the Lord got me.

“Kumbaga, nagkaroon ako ng zest. I found more meaning to what I was doing… When I surrendered my life to the Lord, that’s when I found peace and I never looked back,” sey pa ni Piolo.

Sa kasalukuyan ay active ang aktor sa kanilang church at uma-attend rin ito ng weekly Bible study para patuloy na pagyamanin ang spiritual life.

Related Chika:
Piolo ibinunyag na may reunion project kasama sina Diether, JLC, Jericho: ‘It could turn into a TV series or movie’

Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

Read more...