TINTIN BERSOLA posibleng mamatay kapag nabuntis ni JULIUS BABAO
Napakainit ng pagsalubong sa amin ni Christine Bersola-Babao nu’ng magkita kami sa presscon ng bagong show niya sa TV5, ang Face The People with Gelli de Belen na magsisimula na today.
Nakapag-taping na raw sila ng dalawang episodes. Isa doon ay involved ang gay na kamukha raw ni Julia Montes. “Ang ganda niya parang babae. Nag-iisip siya kung magpapa-sex change siya o hindi.
Second, breadwinner siya. So, since college siya na ang bumubuhay sa ina niya. Nu’ng nag-graduate siya nagkaroon na siya ng trabaho siya pa ang bumubuhay.
“After four years napagod siya. Ayaw na niya. Parang naisip niya, ‘Anim kaming magkakapatid bakit sa akin lang ano, nakasalalay ‘yung burden.
Tinalikuran niya ang ina niya, nawala na lang siyang bigla. ‘Yung nanay niya walang makain. Nagkabaon-baon sa utang,” umpisa ni Christine sa first case study sa bago niyang show.
Dinala ng Face The People ‘yung nanay sa studio ng TV5 at doon nagkaiyakan sila, “Nandu’n din ‘yung pinagkautangan sa tindahan. Magkano lang ang utang?
Nakakalungkot, P3,000 lang. Kung titingnan mo kayang-kaya naman. Hindi naman kailangan mabaon sa utang. So, ngayon, masama ba siyang anak o hindi?
“So, ‘yung taong bayan maghuhusga ngayon. Tama ba na tinalikuran mo ang ina mo? Pamilya, pag-ibig? So, in the end alin ang pipiliin niya? Babalik ba siya sa ina niya para buhayin o itutuloy niya ang pakikipag-live-in?” esplika ni Christine.
Nagulat naman kami nu’ng tinanong naming siya kung ano ang show na katapat nila sa ibang network. “Si, Julius (Babao, her husband), sa ‘Bistado’. Ha-haha! Sabi ni Julius, ‘Tatapatan mo pa ako sa Lunes?’ Tawang-tawa talaga ako.
Sabi ko sa kanya, ‘Pagbigyan mo na ako. Dapat mag-rate kami, Monday, opening salvo. I-tweet mo na, kami ang panoorin, ha!’ Sabay na sabay kami. Tawang-tawa siya. Ganoon kaming mag-asawa. Nakakatawa kami, ‘di ba?”
Speaking of Julius, ise-celebrate nila ang kanilang 10th wedding anniversary sa Dec. 8. And now pa lang, nakaplano na ang selebrasyon. They will be out of the country at one week sila mawawala.
Ayaw ipa-print ni Christine kung saan sila “magha-honeymoon” ni Julius dahil baka kidnapin ang mga anak nila na sina Anya (8 years old) at Neo (3 years old).
So, pwede nang masundan ang bunsong si Neo? “Naku, 43 na ako, e. Sinabihan na ako ng Pedia, si Neo kasi, humarang ‘yung buong cervix, placenta previa ? ‘Yung buong ano ko placenta humarang sa daanan ng bata.
So, nag-bleed ako, e. Buti nga Red Cross donor ako, e. “Sabi niya, baka sa third mo hindi ka lang basta mag-bleed. There’s a possibility na ‘yung veins ng placenta mo mag-latch doon sa wound, hindi na niya mahihila.
‘Yun ata ang ikinamatay ni ano, kung hindi ako nagkakamali, si KenKen Binay (asawa ni Mayor Junjun Binay).
“So, sabi ni Julius, ‘Bakit pa? E, may babae’t lalaki na tayo.
Dalawa na ang anak natin. Ayokong mawala ka. Magkakaanak nga tayo, mawawala ka naman.’ ‘Yun ang stand namin,” diin ni Christine.
Hindi naman daw dangerous kasi marunong sila ni Julius, “We practice natural family planning.” Paano ang honeymoon abroad? Masusunod kaya nila ang natural family planning?
“Kaya ko bang tiisin? Hindi ako nagpi-pills, huh! No pills, no condom. So, if I get pregnant ipagdarasal ko lang na paglabas ko na safe pregnancy and safe panganganak.
Now, if God takes me, halimbawa, nabuhay ang baby, maybe, hanggang doon na lang ang buhay ko. “Hinulan kasi kami, pareho kami ni Julius, different times, different people, magkakaanak kayo sabi, pangatlo, lalaki raw.
So, possible pa talaga. Malay mo sa December,” may pagkapilyang sabi ni Tintin.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.