Alex Gonzaga nagbirong huwag papasukin ang ‘It’s Showtime’, binatikos ng mga netizens: ‘Banatan sana ni Vice Ganda!’

Alex Gonzaga nagbirong huwag papasukin ang 'It's Showtime', binatikos ng mga netizens: 'Banatan sana ni Vice Ganda!'
MAINIT na namang pinag-uusapan ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga na tila may pasaring sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Ito ay matapos mag-trending sa social media ang video clip na kuha sa kanilang noontime show na “Tropang LOL” kung saan “may laman” ang sinasabi nito habang nakikipagbiruan sa co-host na si Billy Crawford.

Matapos kasi ang kanilang closing prayer ay may kanya-kanyang spiel ang mga hosts at nang si Alex na ang magsasalita ay nagbiro ito at nagkunwaring umiiyak.

“Huwag na natin itong tapusin. Mag-overtime tayo. Huwag natin silang papasukin,” saad ng bunsong Gonzaga.

“Mapuputol pa rin tayo [sa ere],” sagot naman ni Billy kay Alex.

Hirit pa ng TV host-vlogger kay Billy, “Baka naman bumalik ka du’n, ha.”

Aware naman ang lahat na bago pa ang “Tropang LOL” ay nauna nang naging parte ng “It’s Showtime” si Billy.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Marami naman sa mga netizens ang hindi nagustuhan at talagang naimbyerna sa tila pagpapatutsada ni Alex sa Kapamilya show na nanahimik.

“Banatan sana ni Mama Vice,” saad ng isang netizen sa Twitter kalakip ang video clip.

Comment naman ng isa, “Eto namang si Billy Crawford and Alex Gonzaga the audacity to throw a shade akala mo naman talaga eno? Eh mas matagal pa nga ang Sineskwela show kesa sa noontime show na ito!”

“Talaga ba Catherine?” sey naman ng @AltKapamilyaChannel user.

Hirit pa ng isa, “When will you ever learn Alex Gonzaga? Wala ka sa hulog magjoke. Also, I did try watching LOL kasi baka entertaining naman, pero waley talaga. Kayo-kayo lang natatawa sa mga jokes nyong corny. Masyadong pilit.”

Hindi naman na bago ang isyu ng pagpapsaring ng mga TV hosts ng “Tropang LOL” sa “It’s Showtime”. Sa katunayan, nagkaroon rin noon ng isyu matapos ang sinabi niyang hindi nag-oovertime ang kanilang programa himdi tulad ng Kapamilys show na kilala naman sa pagiging madalas overtime.

Samantala, nakatakda namang magtapos sa Sabado, April 29 ang “Tropang LOL” nila Alex mula sa halos dalawang taon nitong pag-ere.

Related Chika:
Alex Gonzaga: I am sorry for causing you pain and embarrassment

Alex Gonzaga na-trauma raw nang sigaw-sigawan ng ‘matandang artista: She’s painting me as a bad guy

Read more...