Tito Sotto: Kami ang may-ari ng Eat Bulaga!

Tito Sotto: Kami ang may-ari ng Eat Bulaga!

HINDI magpapatinag ang isa sa mga OG hosts ng “Eat Bulaga” na si Tito Sotto patungkol sa mga ipinupukol sa kanila sa gitna ng isyung kinakaharap ng longest running noontime show sa buong mundo.

Aminado ang dating senador na nasaktan siya sa diumano’y credit grabbing ng ibang tao at pagsasabing hindi sila mabubuhay nina Vic at Joey kung wala ang “Eat Bulaga” gayong bago pa nila ito binuo ay kilala na sila bilang TVJ at marami nang mga matagumpay na programa gaya ng “Discorama” at “Iskul Bukol”.

Ani Tito Sen, sa kabila ng napakalaking utang ng TAPE Inc kina Vic at Joey at kahit na hindi na sumasahod ay patuloy pa rin silang nananatili sa “Eat Bulaga” ay dahil mahal nila ang programa.

“Siguro ang tanong, bakit natitiis nila ‘yung ganoon… pagmamahal sa programa. Doon mo makikita na sila ang nagmamahal at talaga namang ika nga’y may hawak at may-ari ng programa kaya ganoon na handa silang magsakripisyo,” lahad ng dating senador.

Diretsahan ring sinabi ni Tito Sen na sila ang nagmamay-ari ng “Eat Bulaga”.

“Kami po ang may-ari ng programang Eat Bulaga. Ang may-ari ng TAPE (produksyon ng programa) ay sila Romy Jalosjos. Yun ang alam namin.

“Kapag tinignan mo ang records or kung dadalhin mo sa korte ang usapan, nakatitiyak ako kami ang may-ari. Ganoon ang copyright,” sey ni Tito.

Nabanggit rin ni Cristy ang pakikipag-usap nila sa kilalang producers gaya na lamang ni Albie Benitez na hindi naman niya idinenay at sinabing maganda ang offer nito ngunit hindi na siya nagdetalye ukol sa kanilang mga pinag-usapan.

Kinumpirma rin niya na may utang ang TAPE Inc. sa GMA-7 dahil bumibili lang naman sila ng air time sa Kapuso network ngunit nasa dalawang buwan lang daw ito.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Tito Sen sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: ‘Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey’

Nang tanungin naman siya kung ano na ang patutunguha ng programa at kung patuloy pa ba silang magpapasaya ng mga Dabarkads mula Aparri hanggang Jolo, ay depende pa rin kung ano ang mapagkakasunduan.

“Kung ang status quo ang pag-uusapan at itutuloy nila yung mga pinag-usapan namin, wala kayong maririnig sa amin. Wala silang maririnig sa amin. Kung ito naman ay ipagpapatuloy na kung anu-ano ang sinasabi at tatalilis sa usapan namin, siguro naman. Napakahina naman ng kaisipan namin kung hindi pa kami nag-isip na maghiwalay,” sey pa ni Tito.

Amin pa niya, sa totoo lang ay wala silang kontratang apat nina Mr. T, Joey, at Vic dahil ang pinapahalagahan nila ay ang word of honor. Kaya nalulungkot sila na may papasok sa kanilang usapan na iba ang dating.

“Leave it alone. It’s doing well [Eat Bulaga],” mensahe ni Tito kay Romy Jalosjos.

Chika naman niya, gusto niyang patuloy pa rin silang magsama-samang apat nina Mr. T at ayaw niyang magkahiwalay sila.

“Ang target naming tatlo umabot ng 50 years. umabot ng golden, 50 years ang Eat Bulaga. Whatever, saan man abutin, basta kailangang umabot ng 50 years.

“Mahigit kalahati ng buhay namin itinaya namin doon at huwag nilang kalilimutan lalo na ‘yung nagbibintang na ginawa lang kami. Gawa na kami bago kami pumasok ng Eat Bulaga kaya nga nila kami kinukuha,” sabi pa ni Tito.

Related Chika:
Paniniguro ni Tito Sen sa mga Dabarkads…’Eat Bulaga is here to stay’; Alden naiyak sa pagbabalik-EB

Tito Sen naglabas ng sama ng loob: ‘Masagwa pakinggan ‘yung mare-retain kami, para bang pwede kaming sipain… eh, kami nga ang Eat Bulaga’

Read more...