Karla Estrada may pa-throwback sa kaarawan ni Daniel: You deserve all the love in this world!

Karla Estrada may pa-throwback sa kaarawan ni Daniel: You deserve all the love in this world!
HINDI naman nakalimutan ng TV host-actress na si Karla Estrada na batiin ang anak na si Daniel Padilla na nagdiwang ng kaniyang kaarawan.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang mga throwback photos nilang magkasama ng aktor kalakip ang kanyang mensahe para sa anak.

“Happiest Birthday to my first born. Thank you for everything anak,” saad ni Karla.

Pagpapatuloy pa nito, “You deserve all the love in this world! I love you to the moon and back.”

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati para sa panganay na anak ni Karla.

“Happy 28th birthday, Dj!!!! Stay humble and continue to shine!!!” saad ni Ruffa Gutierrez.

Baka Bet Mo: Karla handang-handa nang maging lola sa magiging anak nina Daniel at Kathryn; nilinaw ang chikang ikinasal na sa non-showbiz dyowa

Greeting naman ni Vina Morales, “Happy BDay my inaanak.”

“Happy birthday kuya deejay mahal ka namin. Wish you all the best [blue heart emojis] sana soon makita na kita in person. Manifesting. Mahal ko kayo ni Ate Kath. Thank you for the inspiration palangga ta kamo,” sey naman ng isang fan.

Kahapon, April 26, ang ika-28th birthday ng panganay ni Karla.

Makikita sa kanilang mga Instagram stories na talagang super fun ng naging birthday celebration ng binata at present rin siyempre ang kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Sa katunayan ay may IG story si Karla kung saan nag-selfie sila ni Kath habang yakap niya ito.

“Lovely girl as always,” papuri niya sa dalaga.

Related Chika:
Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

Noontime show sa TV5 na ‘LOL’ tatapusin na, ipapalit daw ang ‘Face To Face’ ni Karla Estrada?

Read more...