NAITALA sa bansa ang unang kaso ng bagong COVID-19 subvariant na tinatawag na “Arcturus” o XBB.1.16 Omicron subvariant.
Kinumpirma ito mismo ng Department of Health (DOH) noong April 25 at ito ay na-detect sa Western Visayas.
Ayon sa DOH, ang nasabing virus ay kasalukuyang kumakalat na sa 33 na bansa.
Sey ng ahensya, “The variant has been detected in 33 countries or jurisdictions across six continents, according to sequence submissions in Global initiative on sharing avian flu data.”
Paliwanag pa ng ahensya, mas madaling kumalat ang bagong variant kaya ito ay una nang ibinalita ng World Health Organization noong May 22 at ng European Centre for Disease Prevention and Control noong May 23
“The variant was initially flagged due to its increasing global prevalence and for having mutations which may lead to increase in infectivity or pathogenicity,” dagdag ng DOH.
Samantala, inanunsyo ng health department na ang unang pasyente ng Arcturus ay nagmula sa probinsya ng Iloilo.
Ito raw ay asymptomatic at nakarekober na mula sa virus.
Nagpaalala pa ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pag-iingat sa COVID-19, tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-isolate kapag may sakit.