Tito Sotto ‘nanggigil’ nang sabihing hindi mabubuhay kung walang ‘Eat Bulaga’: TVJ na kami

Tito Sotto 'nanggigil' nang sabihing hindi mabubuhay kung walang 'Eat Bulaga': TVJ na kami
NO holds barred ang dating senador at TV host na si Tito Sotto sa paglalahad ng katotohanan patungkol sa isyung kinakaharap ngayon ng “Eat Bulaga”.

Sa kanyang interview kay Cristy Fermin ngayong araw, April 27, diretsahang nilinaw ng isa sa mga original hosts ng longest running noontime show ang mga naging pahayag ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, ang kasalukuyang chief finance officer ng TAPE Inc.

“Noong lumabas kasi ang kontrobersiya, umpisa ng January yan pagkatapos umabot ng February. Nagpatawag ng general assembly ‘yung Television and Production Exponents (TAPE Inc.) ‘Yung mga sinasabi sa amin, sa tingin namin, hindi maganda. Wala sa timing. Hindi katanggap-tanggap,” paglalahad ni Tito Sotto.

Noong una raw ay nagkaroon sila ng “status quo” dahil may mga kagustuhan raw ang mga bagong namamahala na ayaw nila at eventually, matapos ang ilang meetings ay pumayag na ang mga Jalosjos sa mga kagustuhan nila walang papalitan ang mga staff ng show kaya kahit na maraming nagtatanong at nagri-reach out sa kanya para hingiin ang kanyang pahayag ay hindi nila ito pinaunlakan.

Kaya ngayon na may mga diumano’y hindi makatotohanang pahayag si Mayor Bullet ay nagsasalita na si Tito.

Una niyang nilinaw na walang katotohanan na bago pa ang pandemya ay nagpapaalam na si Tony Tuviera sa “Eat Bulaga”.

“Hindi. Wala kaming alam na ganoon. As a matter of fact, ang pagkakaalam ko, nagulat nga ako noong January-February, nag-uumpisa na kaming kausapin at ang dialog ay nire-retire si Tony dahil may edad na,” lahad ni Tito Sen.

Baka Bet Mo: Tito Sen naglabas ng sama ng loob: ‘Masagwa pakinggan ‘yung mare-retain kami, para bang pwede kaming sipain… eh, kami nga ang Eat Bulaga’

Sinabi rin niya na may mga nire-retire at may mga pinagre-resign at sinabihang ire-rehire na lamang muli ngunit walang guarantee namaibabalik sila kundi ang mga salita ng bagong namamahala.

Ani Tito, naguguluhan sila dahil kaya raw may mga bagong pumapasok sa TAPE Inc. at “Eat Bulaga” dahil nalulugi ngunit may mga tataasan na sahod sa bagong pasok at may lumang empleyado na ibababa ang sahod dahil nga sa pagkalugi.

“So inalam ko at nakuha namin sa SEC (Sscurities and Exchange Commission) na 2021 na lang muna, e merong net profit na 213 million.

“So nako-confuse kami sa mga sinasabing nalulugi. Eh kasi ‘yung 2022 daw, e teka muna, eleksyon yun e,” lahad ni Tito at sinabing paniguradong kumita ang programa mula sa election campaign ads.

Tanong ni Cristy, may kinalaman kaya ang pagsasabi ng mga Jalosjos na nalulugi ang programa dahil may utang itong P30.5 million kina Vic Sotto at Joey de Leon.

‘Yun daw ang hindi niya maintindihan dahil kung delay lang ang pag-uusapan ay palagi raw talagang may delay dahil late magbayad ang mga ahensiya pero ang magkaroon ng almost one year na utang at may mga sales employee na hindi nakukuha ang mga komisyon, nagtataka si Tito Sen kung saan napupunta ang pera.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit iniiwasan nila ang magsalita ng mga isyu hangga’t maaari ay dahil mahal nila ang programa at ayaw nilang madawit ito sa kontrobersiya ngunit kinakailangan na ngayon dahil sa mga pahayag ni Mayor Bullet.

“Kung ano ano nang sinabi na noong marinig namin, we were hurt. We were surprised. We were disappointed,” pag-amin ni Tito.

Wala rin daw katotohanan na ang ama ni Bullet na si Romy Jalosjos ang may last say sa mga segment ng programa.

Kaya nga inalmahan rin nila Tito ang kagustuhan ng mga namamahala na tanggalin ang ibang mga executive na nasa likod ng mga matatagumpay na segment ng programa at palitan ng mga baguhan sa industriya.

Bukod pa rito, inamin rin niya na nasaktan sila nang sabihing pwede lang silang “i-retain” at para bang pagbibigyan lang sila kaya sila mananatili.

Tila nainsulto rin sina Tito nang sabihin na hindi sila mabubuhay kung wala ang “Eat Bulaga”.

“Naku, si Vic at si Joey kagabi noong pinag-uusapan namin yan, galit na galit. Bakit? Remember, 1979 ang Eat Bulaga. Kami ang nag-create but 1976, Discorama na kami. TVJ na kami. Baka hindi pa sila pinapanganak kaya hindi pa nila alam. 1978 Iskul Bukol, number 1 primetime show for 10 years.

“Aside from Eat Bulaga, si Joey nagkaroon ng mga mahigit isang dosenang TV shows. SI Vic ganoon rin… Ako rin naman [may mga shows]. Sa ngayon mayroon kaming tog-iisang programa sa Net 25 kaya the statement is false,” sey ni Tito.

Related Chika:
True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

Rebelasyon ni Tito Sotto sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: ‘Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey’

Read more...