Marespetong nagpaalam ang dalaga sa talent management arm ng ABS-CBN kasabay ng taos-pusong pasasalamat sa tiwala at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng team ni Direk Lauren Dyogi, ang head ngayon ng Star Magic.
Ayon kay Heaven kahit na saan siya dalhin ng kapalaran, mananatili pa rin siyang “Kapamilya at heart” at hinding-hindi niya makakalimutan ang naging journey niya sa showbiz mula nang maging housemate sa “Pinoy Big Brother” hanggang sa makagawa na nga ng sarili niyang pangalan sa industriya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Heaven ng kanyang litrato na may caption na, “I had been working in the same industry for years, and while I enjoyed my job, I know deep down that I am ready for this change.
“I wanted to take a moment to express my heartfelt thank you for the time I had with @starmagicphils @abscbn.
“I’ve had the privilege of working alongside some of the most inspiring professionals in the industry and I will be forever grateful for all the lessons and experiences I gained. I have and will always be a Kapamilya at heart.
“To @vivaartistsagency I am truly honored to be welcomed in this family and I’m so excited to grow and work with everyone else. Can’t wait to see what this new chapter brings,” ang kabuuan ng IG post ng dalaga.
Ibinahagi rin ni Heaven ang ilang litrato at video clips ng pagpirma niya ng kontrata sa VAA, kasama ang big boss ng kumpanya na si Vic del Rosario.
Samantala, ang tanong ng ilang fans ni Heaven, ngayong nasa Viva na siya, posible kayang sumabak na siya sa mga proyektong pang-Vivamax?
Sa naganap na mediacon pagkatapos pumirma ng kontrata sa Viva, ay natanong namin si Heaven kung ready na siyang magpaka-daring, yung mas matindi pa sa ginawa niya sa “Nanahimik ang Gabi” kasama si Ian Veneracion, na naging entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.
“Naku, baka malayo pa. Matagal-tagal pa po yan,” ang natatawang tugon ni Heaven.
Bukod naman sa rumored boyfriend niyang si Marco Gallo na leading man niya sa latest digital series na “The Rain In España” na napapanood na sa Viva One, may iba pang Viva artists na gusto siyang makatrabaho.
“Actually, ako naman po hindi ako maarte pagdating sa ganyan. Ako kasi, ibinabase ko talaga sa proyekto. Kung maganda, bakit hindi kahit sino pa ang kasama.
“Pero sa mga leading man ng Viva, gusto kong maka-work sina Marco Gumabao and Gab Lagman,” sey ni Heaven.
Type ng dalaga na makagawa ng mga romcom projects, “Para light lang, at gusto rin ng konting thriller, konting horror. Mga ganyan.”
Ano naman ang feeling na kasama na rin siya sa mga pambatong artista ng VAA? “Additional na naman sila sa aking buhay, so I’m very flattered to be part of Viva family.
“Ano ang ine-expect ko, actually nakakatuwa nga po kasi sina Ate Veronique (del Rosario), sina Boss Vic, sina Kuya Vincent (del Rosario), pinlano na nila yung buong 2023 so I’m really excited na makita ninyo yung mga gagawin for the whole year,” pagbabahagi pa ni Heaven.