Manny Pacquiao first time ipinasilip ang P2.3-B Forbes Park mansion, nagpa-house tour sa cast ng ‘Running Man’

Manny Pacquiao first time ipinasilip ang P2.3-B Forbes Park mansion, nagpa-house tour sa cast ng ‘Running Man’

PHOTO: creengrab from YouTube/Kocowa TV

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng house tour ang boxing legend at Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang mansyon sa Forbes Park sa Makati.

At ang kanyang inilibot sa kanyang bahay ay ang cast ng South Korean variety show na “Running Man.”

Alam niyo ba mga ka-Bandera, ang nabanggit na mansyon ni Pacman ay binili noon mula sa presidente ng RCBC na si Lorenzo Tan sa halagang P2.3 billion.

Anyway, ang naging pasilip sa bahay ni Manny ay ibinandera mismo sa isang episode ng “Running Man” noong April 23 bilang highlight sa kanilang pagbisita sa Pilipinas nitong buwan.

Mapapanood sa video na kinabukasan ng kanilang fan meet at concert ay naimbitahan sila sa bahay ng boxing icon.

Nang makarating ang buong cast na sina Yoo Jae-suk, Haha, Jee Seok-jin, Song Ji-hyo, Kim Jong-kook, Jeon So-min, at Yang Se-chan ay talaga namang napa-wow sila at tila hindi makapaniwala sa napakalaking bahay ni Manny.

Baka Bet Mo: Batista may sama pa rin ng loob kay Manny Pacquiao, anyare?

Mismong ang boxing legend ang nag-tour sa kanila at ang naging translator nito ay ang TV host na si Ryan Bang.

Isa rin sa mga masasayang moments ng cast ay ‘yung pa-buffet ni Manny sa kanilang lahat na kung saan ay nagkaroon pa ito ng catering service.

Kung maaalala noong Oktubre ng nakaraang taon, nag-trending sa social media si Manny matapos magkaroon ng guesting sa ilang variety shows sa South Korea.

Una siyang nagkaroon ng appearance sa isang episode ng “Knowing Bros” kasama ang binansagang Pambansang Krung Krung na si Sandara Park.

At pagakatapos niyan ay naging guest din siya sa isa pang episode ng “Running Man.”

Related Chika:

Alexa Ilacad super excited nang mag-show sa US: Actually nakaempake na ako, promise! I’m not kidding!

Read more...