Rita Avila mas gustong totohanan ang sampalan: Pero kung kayang may kaunting daya, OK lang baka mabugbog naman kasi yung mukha’

Rita Avila mas gustong totohanan ang sampalan: Pero kung kayang may kaunting daya, OK lang baka mabugbog naman kasi yung mukha'

Ashley Ortega, Ina Feleo, Amy Austria, Rita Avila at Cheska Inigo

GRABE ang impact ng karakter ng seasoned actress na si Rita Avila sa mga manonood dahil sa galing nito bilang kontrabida sa Kapuso series na “Hearts On Ice.”

Kaya naman galit na galit sa kanya ang mga viewers tuwing gabi at halos isumpa na siya bilang si Yvanna, ang palaban at walang inuurungang mommy ni Monique (Roxie Smith).

Handa siyang gawin ang lahat para maging champion lang ang anak sa larangan ng figure skating. At dahil dito, talagang nasasaktan ni Yvanna si Monique kapag nabibigo ito.


Nagkuwento si Rita sa isang interview kung paano niya ginagawa ang pananakit o ang sampalan scenes nila ni Roxie sa “Hearts On Ice.”

Baka Bet Mo: Rita Avila pinasisingit sa pila ng taga-airport: ‘Pero hindi kami pumayag, mana kami kay Atty. Leni Robredo’

“Yung eksena namin ni Monique, marami ang naawa ‘di ba noong pinagsasampal ko siya. Since Roxie is a pro, hiniling niya talaga sa akin na totohanin ko para raw maramdaman niya.

“Kasi minsan talaga kapag fake ang hirap mag-react e’ ng totoo, so it helps kung totoo. Pero mayroon ding instances na kung kakayanin naman talagang may medyo kaunting daya, gagawin din naman kasi ang hirap baka naman mabugbog na ‘yung mukha ng bata,” pahayag ni Rita.

Ayon pa sa veteran actress, marami pang dapat abangan ang mga manonood kanilang serye na pinagbibidahan nina Xian Lim at Ashley Ortega.

“Mas marami kaming away ni Amy Austria (gumaganap na nanay ni Ashley). Feeling ko naman mag-e-enjoy ‘yung manonood kasi siyempre may Team Libay ‘di ba pero walang Team Yvanna,” sabi pa ni Rita.

Napapanood ang “Hearts On Ice” Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

‘Carrot Man’ Jeyrick Sigmaton waging best actor sa New York-based filmfest

Rita Avila ibinandera ang sikreto kung paano napananatili ang ganda: Alagaan ang sarili

Read more...