Janine sa pagtatapos ng Dragon Lady: Grabe ‘yung sabunutan, sampalan sa freezer at supermarket | Bandera

Janine sa pagtatapos ng Dragon Lady: Grabe ‘yung sabunutan, sampalan sa freezer at supermarket

Ervin Santiago - July 19, 2019 - 12:55 AM

EDGAR ALLAN GUZMAN, JANINE GUTIERREZ, MARICAR DE MESA AT JOYCE CHING

IN FAIRNESS, talagang nagmarka sa mga Kapuso viewers ang mga nakakalokang confrontation scenes at trending catfights ni Janine Gutierrez sa afternoon series na Dragon Lady after Eat Bulaga.

Siguradong forever nang nakatatak sa viewers ang pagiging mahusay na bida-kontrabida ni Janine bilang si Scarlet/Yna sa Dragon Lady.

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Janine ang mga sabunutan, sapakan at sampalan nila nina Maricar de Mesa bilang si Vera at Joyce Ching as Astrid sa Dragon Lady na magtatapos na ngayong Sabado, July 20 sa GMA Afternoon Prime.

Pero alam n’yo ba, inamin ni Janine na sa dami ng kanilang face-off, never daw silang nagkasakitan sa taping, “Yes, actually, hindi talaga!”

“Totoo pero alalay. Kaya hindi kami nagkakasakitan. Pareho talaga kaming maingat and masuwerte rin kasi kahit si Ate Maricar ang sasampal sa akin or si Joyce, siyempre magagaling sila kaya marunong talaga silang umalalay,” pahayag ni Janine nang makachikahan ng ilang entertainment press sa last taping ng Dragon Lady.

Ano nga ba ang natutunan ni Janine sa kanilang serye ngayong malapit nang umere ang kanilang finale episode? “Siguro, expect the unexpected. Kasi, hindi ko naman in-expect na magkakaroon ako ganitong klaseng show.

“Fantasy, tsaka enjoy lang. Kasi, kahit mabigat yung storyline, yung mga linyahan namin, nakakatawa. Very campy yung show, kung saan-saan kami nagsasabunutan – sa freezer, sa supermarket. So, kahit na super-intense yung mga eksena, enjoy kami pag ginagawa namin.

“Kaya sa tingin ko, marami rin na nag-e-enjoy na panoorin yung mga sabunutan, yung mga one-liner, kasi ito na siguro yung pinakagusto kong script, one of my favorites. Kasi, ang galing nu’ng mga linyahan, swabe, may halong comedy pero intense pa rin,” dagdag pa ng Kapuso bida-contravida.

Tungkol naman sa mga plano niyang gawin after ng Dragon Lady, “Meron akong movies, so magmu-movies muna ako. Yung isa, indie, pam-festival. Tapos, yung isa, yung kami ni Paulo Avelino for T-Rex Entertainment.”

Kung may dream role siya na nais gampanan after ng Dragon Lady, “Gusto kong mag-romcom ulit. Like, ‘yung parang Love You Two (nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion), ang saya lang, nakaka-good vibes lang.

“Dati kasi, nagawa ko yun once with Direk Andoy Ranay dito, yung More Than Words, pero super-super tagal na yun, so iyon. Super-saya rin talaga gumawa ng ganung kuwento, ng ganu’ng show, kaya gusto ko, romcom. Or siguro, action naman,” pahayag pa ni Janine.

Samantala, sa pagtatapos nga ng Dragon Lady, tutukan kung paano mapapatumba ni Scarlet sina Astrid at Vera na hindi pa rin titigil sa kanilang kasamaan hanggang sa huli nilang hininga.

Tuluyan na nga kaya siyang traydurin ni Goldwyn (Edgar Allan Guzman) para lang makapaghiganti matapos niyang piliin si Michael (Tom Rodriguez)? But wait there’s more!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, para sa finale, siguradong ikagugulantang n’yo ang huling pasabog ni Scarlet na talagang tatatak sa mga sumubaybay sa kanyang buhay mula nang magsimula ito hanggang sa ending.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending