‘Summer of Love’ ng GMA 7 punumpuno ng hugot at inspirasyon ngayong panahon ng tag-init
TALAGA namang perfect time ang summer season para magpasaya at gawing brighter ang araw ng ibang tao – ito ang inspiring message ng GMA Network sa summer plug nitong “Summer of Love,” kung saan tampok ang mga paboritong Kapuso shows ng viewers.
Featured sa latest Kapuso summer campaign ang ilan sa mga umeereng programa ng Network na nagpapakita kung bakit love ng publiko ang summer — ito ay dahil nakasasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay kahit saan pa man silang lugar.
View this post on Instagram
Kasing-init ng araw ang mga eksenang hatid ng GMA Afternoon Prime Dramas na nagpapakita ng pagmamahal at kabutihan sa kapwa sa iba’t ibang paraan. Talaga namang kinagigiliwan ngayong summer ang “Abot-Kamay na Pangarap”, “Arabella”, at “Underage.”
Binibigyang-inspirasyon din ng GMA Telebabad shows na “Mga Lihim ni Urduja”, “Hearts on Ice”, at “The Write One” ang Kapuso viewers na maging hopeful sa kabila ng mga pagsubok na kinahaharap sa buhay.
Baka Bet Mo: Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ
Tunay ring brighter ang summer days dala ng ilan pa sa mga entertaining weekday shows ng Network gaya ng “TiktoClock”, “Fast Talk with Boy Abunda”, “Family Feud”, at “Bubble Gang.”
Extra special ang weekends kasama ang mga minamahal sa buhay habang pinanonood ang “Sarap Di Ba”, “Amazing Earth”, “Magpakailanman,” “Pepito Manaloto”, “iBilib”, “All-Out Sundays”, “The Boobay and Tekla Show,”, “The Clash,” at “Daig Kayo ng Lola Ko.”
View this post on Instagram
Bida rin sa summer plug ang fresh faces ng Sparkada at Sparkle Teens na siguradong tatatak sa Kapuso viewers at bago nilang aabangan.
Ang summer plug jingle na pinamagatang “Summer of Love” ay kinanta nina Sparkle artists Sean Lucas, Tanya Ramos, Lexi Gonzales, at Matt Lozano. Si Natasha Correos ang nag-compose ng catchy at upbeat na tono habang isinulat nina Jann Fayel Lopez at Cristine Autor ang captivating lyrics.
Mapapanood ang “Summer of Love” sa GMA 7, GMANetwork.com, at sa official social media pages ng Kapuso Network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.