Ken Chan sa nakakalokang role sa ‘Papa Mascot’: ‘Nagkaroon ako ng kalayaang maipakita ang matagal ko nang kinikimkim bilang aktor’
“NAGAWA ko po ang gusto kong gawin sa ‘Papa Mascot‘ na hindi ko magawa sa TV, sa mga teleserye at masaya po ako.”
Yan ang mariing sabi ng Kapuso actor na si Ken Chan patungkol sa bago niyang pelikula, ang “Papa Mascot” na showing na ngayong araw sa mga sinehan.
Kaya naman todo ang pasasalamat ni Ken sa mga bossing niya sa GMA 7 dahil pinayagan siyang gawin ang nasabing pelikula na magpapatunay sa kanyang versatility as an actor.
View this post on Instagram
“Lubos po akong nagpapasalamat dahil pinayagan po ako ng aking management, GMA Network at Sparkle management po, na gumawa ng klaseng ganitong materyal,” ang pahayag ng Kapuso actor.
“Lingid po sa kaalaman ng lahat na talagang pagdating po sa TV, may mga limitasyon po. Ang paggamit ng mga bad words. Ang paggamit ng sigarilyo. Talagang hindi po natin iyan maipapakita sa TV.
Baka Bet Mo: Ken Chan single pa rin: Wala naman pong pumipigil, pero…
“Pero nagkaroon po ako ng kalayaan bilang isang aktor na maipakita yung matagal ko nang kinikimkim bilang isang aktor. At nailabas ko po dito sa pelikula na Papa Mascot.
“Isang materyal na kung saan matagal ko nang pinapangarap at ipinagdarasal na magkaroon. At tinupad po yon ng Wide International Film, ni Direk Louie Ignacio, at siyempre ni Lord,” lahad ni Ken.
“And ang sarap po sa pakiramdam na makagawa ng mga ganitong pelikula na may aral, relatable, at masarap gawin,” sey ng binata.
Ito ang ikalawang pelikula ni Ken na idinirek ni Louie Ignacio, una silang nagkatrabaho sa 2021 MMFF entry na “Huling Ulan sa Tag-araw” katambal si Rita Daniela.
“For sure, ilalaban ito ni Direk Louie sa mga festivals hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
View this post on Instagram
“And yun po, excited din po kami na mapanood siya hindi lang po dito sa Pilipinas kundi pati na rin po ng mga kababayan nating OFWs at mga kababayan po nating nasa ibang bansa, na mapanood nila ang ganitong pelikula po.
“At masuwerte po, I feel so blessed and thankful that I was able to work with the icons of the industry, Kuya Gabby (Eigenmann), Ate Liza (Diño), you know, Miss Sue (Prado) at marami pang iba.
“I’m just so blessed, thankful. Erin, palakpakan naman natin si Erin, napakagaling. Nandito ang pamilya ni Erin.
“I know na proud na proud po kayo sa inyong little angel, you know. At yun po, sana, dasal ko na makagawa pa ang Wide International ng mga pelikulang kagaya nito. Salamat po. Thank you!” ang pahayag pa ni Ken na ang tinutukoy na Erin ay ang six-year old na si Erin Rose Espiritu na gumanap bilang anak niya sa “Papa Mascot.”
Kasama rin sa movie sina Miles Ocampo, JC Parker, Joe Gruta, Tabs Sumulong, Jericho Arceo, at Yian Gabriel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.