Paolo Contis inaming may mga nagawang pagkakamali kay LJ Reyes: ‘Pero marami pang hindi alam ang tao’

Paolo Contis inaming may mga nagawang pagkakamali kay LJ Reyes: 'Pero marami pang hindi alam ang tao'

LJ Reyes at Paolo Contis

MISS na miss na ng Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis ang kanyang anak kay LJ Reyes na si Summer.

Halos dalawang taon nang naninirahan si LJ sa New York kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer kaya naman matagal-tagal na rin silang hindi nakikita at nakakasama ni Paolo.

Sa digital talk show ng Kapuso star na “Just In”, sinabi niyang willing siyang bisitahin ang mga bata kapag nabigyan siya ng pagkakataon.

Natanong ni Nelson Canlas ang aktor tungkol sa controversial breakup nila ni LJ, at kung ano pa ba ang hindi alam ng publiko about it.


“Para sa akin I think it’s too personal. Maraming factors kung bakit napunta doon sa state ng naghiwalay kami.

“But I have admitted that I have made mistakes. Pero marami pang hindi alam ang tao about the whole picture,” paliwanag ni Paolo.

Baka Bet Mo: Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari’

Nagkakausap na ba sila ng dating karelasyon, “No. But I’m waiting for the right time and the go signal that I can. But I am trying to contact through her lawyer.”

Mas gusto raw ni Paolo na gawing pribado ang relasyon nila ng bagong girlfriend na si Yen Santos kaya hangga’t maaari ay ayaw na niya itong pag-usapan in public.


“I guess being in a quiet relationship, feeling ko mas may advantage. She’s a very private person. Walang comparison.

“Again, people don’t know what happens behind closed doors. Kung ano man ‘yung nakita ko dati, iba rin ‘yung mga nakikita ko ngayon.

“Sa amin, it works because we’re both quiet with our personal lives,” katwiran pa ng Kapuso comedian.

Nagsalita rin si Pao tungkol sa mga taong nanghusga at nam-bash sa kanya nang bonggang-bongga noong kasagsagan ng hiwalayan nila ni LJ hanggang sa pag-amin nila ni Yen about their relationship.

“It’s sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of, parang super laki. Katulad nga ng sinabi mo pagdating mo kanina, ‘Oh! The world’s hatest man!’

“Natuto na ako. And aminin na natin, there is too much hate for me to postings and parang sa akin, so what? As long as quiet ‘yung sa aming dalawa, then so be it,” pahayag pa ni Paolo Contis.

Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit

Read more...