Mga Pinoy na mahilig magbasa at magsulat siguradong makaka-relate sa ‘Easy Listening’ ni Nestor Cuartero

Mga Pinoy na mahilig magbasa at magsulat siguradong makaka-relate sa 'Easy Listening' ni Nestor Cuartero

Alfred Vargas at Nestor Cuartero

MALUGOD na inihayag ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na “Easy Listening” ni Nestor Cuartero.

Naglalaman ito ng mga personal na sanaysay ng veteran journalist at book author sa kanyang matapat na pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa — mula sa pagninilay sa pagiging ama hanggang sa mga pagdiriwang sa mga biyaya ng kalikasan – na pawang sinulat gamit ang pagiging mausisang peryodista at malikhaing pananaw bilang manunulat.

Mababasa sa mga sanaysay sa 116 na pahina ng aklat ang mga pagmumuni ng diwang malumanay at mapagmasid, sa pagkatuwa sa kagandahan ng mga pangkaraniwang bagay sa araw-araw.


Tulad ng palakaibigang mga kapitbahay, paglalakad-lakad sa hapon, ang matamis-maasim na mga prutas, ang kasiyahan sa pakikinig sa pagmamadali araw-araw.

Ito ay panulat na humagilap sa kamangha-mangha sa karaniwan at naipahayag sa paraang tila paglalakad lamang sa masigla at pamilyar na daan pauwi sa tahanan.

Nailarawan ng acclaimed essayist at fictionist na si Cristina Pantoja Hidalgo ang ganitong kuru-kuro sa Introduction, “All in all, the book makes for a pleasant experience. It’s like having a casual visit with the author, on a quiet afternoon, sharing a cup of that Baraco coffee, and conversation on this and that, and the other.

Baka Bet Mo: Madam Inutz sa paglabas ng PBB house: Hindi ko alam kung marunong pa ako magmura mga inutil kayo!

“One comes away from the experience realizing that one is feeling lighter and better about oneself and the world, as a result of the friendly companionship, and the homespun wisdom,” aniya pa.

Ayon kay Nestor Cuartero, ang “Easy Listening” ay walang iba kundi ang tinatawag ni Andrew Rooney na “pieces of my mind,” mga bunga ng kaisipan ng isang matanda, mga tala at notasyon tungkol sa pangngalan at pandiwa, sa mga tao, sa mga lugar, at mga bagay, maliliiy na sanaysay tungkol sa pamilya, sa mga halaman at hayop, mga pusa, mga aso, mga kaugalian at tradisyon, mga karanasan, na makulay at matamis sa alaala, hindi nangangahulugang salungat, sa manlalakbay na ito na nanggaling na doon at nagawa na ang dapat gawin.


Ayon pa sa dating entertainment editor, “Happily, they are just that, rumblings, not rants, on what is true, good, beautiful and memorable.

“Jotting them down, glossing over them, make, for me, the essence of a good life. Enjoying them through sheer remembrance, seizing the moment, listening to winds of change, looking back with joy in one’s heart, is one secret to youthfulness and towards happy old age.

“And so, with this in mind, and with heart throbbing and thriving, the title of this slim collection was born: Easy Listening.

“Hope this book catches you in that joyful mood, light and free and easy, as when I started and finished writing its contents,” sabi pa ng guro at manunulat.

Available na ang mga kopya sa UST bookstore sa Main Building, at sa UST online bookstores sa Shopee (https://bit.ly/3VJP9uf) and Lazada (https://bit.ly/3Fld6mt).

Maaari ring kumontak sa DM, PM (sa Facebook) o magpadala ng text sa 0917-800-5986 para sa mga detalye o orders.

Liza Dino 3 taon pang magsisilbi sa FDCP; ‘PH Movie Confidential’ ni Nestor Cuartero maraming pasabog

Yassi ipinatatayo na ang dream house; Dimples ibinandera ang kaseksihan

Read more...