Madam Inutz sa paglabas ng PBB house: Hindi ko alam kung marunong pa ako magmura mga inutil kayo! | Bandera

Madam Inutz sa paglabas ng PBB house: Hindi ko alam kung marunong pa ako magmura mga inutil kayo!

Therese Arceo |January 04,2022
facebook
share this

Madam Inutz sa paglabas ng PBB house: Hindi ko alam kung marunong pa ako magmura mga inutil kayo!

Therese Arceo - January 04, 2022 - 02:38 PM

Madam Inutz sa paglabas ng PBB house: Hindi ko alam kung marunong pa ako magmura mga inutil kayo!

SA muling paglabas ni Madam Inutz sa outside world matapos ma-evict sa “Pinoy Big Brother” ay muli itong naging active sa social media.

Sa kanyang Twitter account ay agad niyang inihayag ang kaniyang pagkamiss sa kanyang mga mahal sa buhay.

Aniya (posted as is), “K*ng in*, sobrang namiz ko yung may ambag sa buhay ko indi yung puro ganda lang!!”

“Na miz ko yung buhay sa outside world at naninibago ako sa pag pindot ng aking phone!! Indi ko rin alam kung marunong pa ako mag mura mga inutil kayo!!”

Marami naman sa mga netizens ang naimbyerna sa tweet ng ex-housemate ni Kuya na tila ba pinariringgan ang kanyang kapwa housemate at third evictee na si Chie Filomeno.

Matatandaang nag-trending ang dalawa matapos ang naging rason ni Madam Inutz sa pagboto kay Chie dahil “ganda lang” daw ang ambag nito sa loob ng Bahay ni Kuya.

Kamakailan rin ay humingi ng tawad ang talent manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino matapos ang naging komprontasyon nina Chie at Madam Inutz sa “Big Celebrity Kumunity Final 5 Tell All”.

Nag-tweet rin kasi si Chie noong December 31 at sinabing “‘yung lalaitin mo yung tao tapos idadaan mo sa tWa para kunware hindi nakakasakit sinabi mo”.

“In behalf of Madam Inutz, ako na po humihingi ng dispensa pero dama ko sincere naman sagot po nya na mental block cya pg pasok nya sa confession toom at di nag ingat sa pagbitaw ng rason. Bagito rin siya sa industriya. Need pa nya ng tamang gabay. Again, my apology,” reply ni momshie Wilbert.

Pero dahil nga sa naging post ni Madam Inutz ay marami ulit ang nabwisit na netizen sa kanya.

Parang ang dating sa madlang pipol sy dedma lang siya sa maling nagawa at tila hindi nakasakit.

Hirit pa ng mama-bentang online seller, nagugulat raw siya dahil maayos naman ang samahan nila sa loob ng bahay ni Kuya ngunit paglabas nila ay puro kasiraan ng kanya-kanyang fandom ang bumungad sa kanya.

“Puro kayo mga Marites!! Bigwasan ko mayo eh!! Pero namiz ko kayong mga tambay sa live ko!! At happy new year sa inyo mga kainutz!! Salamat sa mga sumuporta at malaking bagay para sa akin yung umabot ako sa final 5 sa PBB,” dagdag pa ni Madam Inutz.

Ngunit mukhang maayos naman na ang samahan nina Chie at Madam Inutz dahil nag-post pa ito sa kanyang Instagram account ng kanilang selfie na kuha noong “ASAP Natin ‘To!” taping.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DAISY LOPEZ (@daisyinutz)

Sa huli ay nagpasalamat naman si social media personality sa kanyang talent manager na sa walang sawang pagmamahal at suporta nito hindi lang sa kanya pati sa buo niyang pamilya habang nasa loob siya ng “PBB” house.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salamat @sirwil75 sa pagmamahal at suporta mo sa akin!! Grabe habang nagbabasa ako ng mga tweet at mga retweet nasasaktan ako sa mga inutil na bashers!! Hugs ng mahigpit Sir Wil!”

 

Related Chika:
Madam Inutz pinayagang mag-live kahit nasa PBB House para makatulong sa pamilya

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending