Dimples ibinandera ang mensahe para sa 38th birthday ni Angel: 'Isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon' | Bandera

Dimples ibinandera ang mensahe para sa 38th birthday ni Angel: ‘Isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon’

Ervin Santiago |April 23,2023
facebook
share this

Dimples ibinandera ang mensahe para sa 38th birthday ni Angel: ‘Isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon’

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 11:42 AM

Dimples ibinandera ang mensahe para sa 38th birthday ni Angel: 'Isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon'

Dimples Romana at Angel Tocsin

MARAMING nakaalala at bumabati sa Kapamilya actress na si Angel Locsin na nagse-celebrate ng kanyang 38th birthday ngayong araw.

Kahit na nga matagal-tagal nang hindi napapanood si Angel sa telebisyon at pelikula ay ramdan na ramdam pa rin ang presence niya sa social media dahil nga sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga fans.

In fairness, kagabi pa lang ay nakakita na ako sa socmed ng mga pagbati sa asawa ng negosyante at movie producer na si Neil Arce.

At ngayong araw nga ay patuloy ang pagbuhos ng birthday greetings para sa kanya mula sa mga tagasuporta at mga kaibigan sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa na nga riyan ang kanyang BFF na si Dimples Romana na nag-post pa ng throwback photo nila ni Angel sa Instagram kalakip ang kanyang mensahe.

“Maligayang kaarawan to my bestfriend.

Baka Bet Mo: Dimples pinatunayang napakahirap maging nanay: Bessssh, Muntik maubos ang energy ko, the struggle is REAL!

“Malamang Di mo naman to mababasa kaya I kwento ko na lang sayo when I see you when I get back from Cebu,” simulang pagbati ni Dimples sa kaibigan.

Pagpapatuloy pa niya, “But at this point I’m not posting this para makita mo, I’m posting this para makita nila. At maipaalala sa kanila na kaarawan ng isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon.

“And I know many of us love you, and so many of them you have helped, loved, saved and given to over the many years.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


“So if you are one of those please do greet my dearest @therealangellocsin a happy birthday today and say a prayer of love and celebration as she turns over another fruitful and sweet year of life!

“Hahaba pa kaya sa pagkikita na lang natin. mahal na mahal na mahal kita!
@neil_arce paki-kiss sakin. See you soon! Love you both!

“Photo taken when we cooked for the kids at @sosphilippines Ikaw ang naghiwa, nagluto tayo, nagbuhat, naghugas at nakikain.

“Sa bestfriend kong Walang kaarte arte sa katawan, para sa lahat ng sakripisyo mo at tulong mo sa nakararami kasama na ang mga tao at pamilya kailanman ay Di mo pa nakikilala, sa puso mong Walang pinipiling tulungan at mahalin, punuin sana ni Lord ng Saya lagi yan.

“Mahal kita lagi lagi. Dito lang kami,” ang kabuuang mensahe ni Dimples para sa kaarawan ni Angel.

Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples super proud nanay sa panganay: First year of college DONE! Yes ateeee, good job!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending