Marian Rivera proud na proud sa anak na ‘gold medalist’ ng Taekwondo: The youngest in the competition!

Marian Rivera proud na proud sa anak na ‘gold medalist’ ng Taekwondo: The youngest in the competition!

PHOTO: Instagram/@marianrivera

PROUD mommy ang Kapuso actress na si Marian Rivera matapos magwagi ng gold medal ang kanyang anak na si Sixto sa Taekwondo “wood-breaking” competition.

Sa Instagram, ibinandera mismo ni Marian ang cute na cute na mga litrato ng kanyang bunso habang sinasabitan ng medalya.

Makikita pa sa mga pictures na white belter pa lamang ang kanyang 4-year-old na anak, ngunit nakakabali na ito ng kahoy.

Ayon pa sa celebrity mom, si Sixto ang pinakabatang sumali sa nasabing kompetisyon.

“The youngest in the competition and showing so much promise already [smiling face with hearts emoji],” sa kanyang caption.

Aniya pa, “Congrats on winning gold in wood breaking! Mama is always proud of you Sixto [happy faece emoji].”

Baka Bet Mo: Dingdong Dantes, Marian Rivera kinabahan nang mabalitaan ang nangyaring ‘silent seizure’ ni Boobay

Maraming netizens naman ang nagulat at bumilib sa bunso nina Marian at Dingdong Dantes.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Grabe to!!! [clapping hands emoji] Ang cute n’ya!!! Super happy!!!”

“At a very young age, congratulations! Sixto, wishing you even more success in the future [gold medal emoji] very good!”

“Wooow GOLD MEDALIST na si poging Sixto [emojis] CONGRATS!!”

Matatandaang taong 2014 nang ikinasal sina Marian at Dingdong.

Biniyayan sila ng dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Noong nakaraan lamang ay binigyan nila ng bonggang 4th birthday party si Sixto na may temang “Pinocchio.”

Related Chika:

Marian: Gusto kong maging aligagang nanay…ako ‘yung gigising, magpapaligo at maghahatid sa mga bata sa school

Read more...