Alden kay Julia: ‘Isa siya sa mga naka-partner ko na walang pretensions, nararamdaman ko ang sincerity’

Alden kay Julia: 'Isa siya sa mga naka-partner ko na walang pretensions, nararamdaman ko ang sincerity'

Irene Villamor, Alden Richards at Julia Montes

PURING-PURI ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang ugali at professionalism ng bago niyang leading lady na si Julia Montes sa pelikulang  “Five Break-ups and a Romance.”

Inamin ni Alden na grabe ang excitement na naramdaman niya nang sabihin sa kanya ng mga bossing ng GMA 7 na makakasama niya sa bagong project ang Kapamilya actress na ididirek ni Irene Villamor.

“It’s been a while since my last film in 2019. Noong nilatag pa lang sa akin ‘to, na-excite ako sa idea of being paired with Julia because I know how brilliant of an actress she is,” ang pahayag ng Pambansang Bae.

“Si Julia ang isa sa mga naka-partner ko na walang pretensions, nararamdaman ko ang sincerity. Kaya hindi rin ako natakot to give my all in this film kasi importanteng ipakita ‘yung individuality niya,” aniya pa.


Para naman kay Julia, “Noong nalaman ko po siyempre, nagulat talaga ako. I’m honored and happy to work with him. Kahit hindi pa kami masyadong matagal nagsu-shoot, na-realize kung bakit Alden Richards is Alden Richards.”

Dream project para kay Julia ang “Five Break-ups and a Romance”, “Hindi ko inexpect na sa akin ipagkakatiwala yung role. To be with Alden also with direk Irene na hindi ko in-expect na makaka-work kasi I’m a hopeless romantic kind of girl so pag nanonood ako ng film, what if kaya pine-play ko ‘yung ganyang role?

“Laging ganu’n lang ‘yung mindset ko. Hindi ko ini-expect na eventually time will come ito pala ‘yung year na ‘yun na gagawa ako ng ganung film,” dagdag pa ni Julia.

Samantala, natanong din ang dalawa kung ano ang masasabi nila na parehong open na sa collaboration ang ABS-CBN at GMA 7.

Baka Bet Mo: Alden, Julia may halikan at love scene sa ‘Five Break-ups And A Romance’; ipaparamdam ang hugot na, ‘Love is a very complicated thing’

Unang sumagot si Julia, “Siguro ang sarap sa pakiramdam, sana ganun tayo in life, hindi lang sa network, ‘yung lahat tayo open, walang wall, walang restriction kasi hindi mo masasabi ang buhay eh.

“Kapag tulungan, ang dami mong maa-achieve. With teamwork ang dami mong maa-achieve. Ito ‘yung perfect example, lalo na sa project na ‘to two big companies nagtulungan and another big company nagsama-sama, alam mo ‘yun, ‘yung talaga teamwork,” dugtong pa niya.


Para naman kay Alden, “Maganda na rin po ‘yung nangyayari ngayon na ABS-CBN and GMA have been very vocal with the partnerships that they are going into, parang mas lumawak ‘yung opportunities especially for us actors.

“Ngayon kasi ang common goal na is to give world class entertainment at mapakita natin na Filipino talent has what it takes to compete with international outfits as well,” aniya pa.

Ngayon pa lang ay super excited na si Direk Irene sa pagsisimula ng shooting nila para sa “Five Break-ups and a Romance” na siya ring nagsulta ng kuwento ng pelikula.

“First reading pa lang namin, ang saya ko na. First reading pa lang may input na agad sila. Nagre-revise na ako so parang based on how they read it so napaganda ‘yung materyal.

“We have done just one reading pa lang at sobrang dami na namin na discuss about the concept so nakaka-excite makita paano nila bubuhayin yung mga characters sa script,” sabi pa ng Kapuso heartthrob.

Ang “Five Break-ups and a Romance” ay mula sa produksyon ng Cornerstone Studios, GMA Pictures, at ng Myriad Corporation na pag-aari ni Alden.

LJ unti-unti nang nakaka-recover sa break-up nila ni Paolo; kumapit sa pangaral ng pastor

Diego tikom pa rin ang bibig sa break-up nila ni Barbie; US trip malaking tulong sa mental health

Read more...