Boobay pinakiusapan ni Boy Abunda matapos makaranas ng silent seizure: ‘If you’re watching, please take care of your health’

Boobay pinakiusapan ni Boy Abunda matapos makaranas ng silent seizure: 'If you’re watching, please take care of your health'

Boy Abunda at Boobay

MANAWAGAN ang King of Talk na si Boy Abunda sa Kapuso comedian at TV host na si Boobay na ingatan na nang bonggang-bongga ang kanyang kalusugan.

Ito’y matapos nga ang nangyari sa komedyante habang nakasalang sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Miyerkules, April 19, kung saan bigla na lang siyang “nag-hang” at natulala.

Kinabukasan, April 20, nagbigay ng update si Tito Boy tungkol sa health condition ni Boobay o Norman Balbuena sa tunay na buhay.

Kinumpirma ng award-winning TV host at talent manager na maayos na ang lagay ni Boobay at wala nang dapat ipag-alala ang kanyang mga kaibigan at  tagasuporta.


Ang nangyari pala kay Boobay ay “silent seizure” kung saan bigla na lang nagha-hang ang isang indibidwal sa loob ng 10 hanggang 30 segundo. Ito’y epekto raw ng pagkakaroon niya ng mild stroke noong 2016.

Kuwento ni Tito Boy, habang kausap ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, “He started to be quiet. Akala ko, iiyak. Akala ko he was getting emotional because he was remembering how he started.

“So pinapanood ko lang siya. After a few seconds, instinct eh. Something is wrong. Kaya sabi ko are you okay? Siguro mga dalawa o tatlong beses? I said, ‘are you okay?’

Baka Bet Mo: Herlene Budol 3 years nang may karelasyon na non-showbiz: Nakilala ko siya sa dating app!

“Nilapitan ko na kasi I instinctively felt that something was wrong. Niyakap ko. So we took a break. Less than six minutes,” pahayag ng premyadong TV host.

Pagpapatuloy pa niya, “Tumawag na kami ng doctor, nurse. After two to three minutes, he was back. He was okay. At doon nalaman ko yung kwento na nangyari na pala ito.”

Paliwanag ni Tito Boy sa nangyari kay Boobay, “Ang tawag daw ng nangyari sa kanya ay silent seizure. He is used to this.


“Ang sabi raw ng kanyang doctor, after he had a stroke in 2016, na magkakaroon ka ng silent or mild seizures. Pero ang gagawin mo lang ay kumalma ka and then be still. After a while, babalik ka rin,” sabi pa ng TV host.

“In all the years that I had been on television, that was the first time na may nangyaring ganu’n. So Boobay if you’re watching, please take care of your health,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan naman ng mga supporters ni Boobay si Tito Boy dahil sa concern at maagap nitong pagtulong kay Boobay.

Aminado ang host ng “The Boobay and Tekla Show” na workaholic siya at ang pagtatrabaho raw ang kanyang “pahinga.”

Hinala ng komedyante, ang tension, kaba, kawalan ng tulog, mga ilaw, at camera sa studio ang naging sanhi ng kanyang silent seizure.

Ice, Liza 4 na anibersaryo ang ipinagdiriwang; FDCP sunud-sunod ang bonggang proyekto

Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan

Read more...