Marian buking kay Dingdong: ‘May love-hate relationship kami noon… sobrang mapang-asar siya talaga lalung-lalo na sa akin’

Marian buking kay Dingdong: 'May love-hate relationship kami noon... sobrang mapang-asar siya talaga lalung-lalo na sa akin'

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Zia at Sixto Dantes

MAS matindi palang mang-asar si Marian Rivera kay Dingdong Dantes noong nagsisimula pa lang ang kanilang loveteam sa GMA 7.

Ito ang dahilan kung bakit “gumanti” ang Kapuso Primetime King kay Marian na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng kanyang pinakamamahal na asawa.

Ayon kay Dingdong, bago pa sila nagkapalagayan ng loob ni Marian at mapalapit ang damdamin sa isa’t isa, ay hindi raw talaga sila masyadong nagkakasundo.


Dahil mahilig daw talagang mang-asar ang aktres at celebrity mom ay naisipan din ni Dingdong na asarin ito na may kaugnayan sa cellphone load.

“Unang-una po, hindi sa Palawan nangyari ‘yon. Si Marian minsan may pagkalimutin,” ang natatawang chika ni Dingdong nang mag-guest siya nitong nagdaang Biyernes sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Pagpapatuloy ng TV host-actor, “Noong nag-uumpisa kami, we had different relationships at that time. Talagang very, very professional po kami, may love-hate relationship kami sa set.

“Kasi si Marian sobrang mapang-asar talaga, kahit kanino, lalung-lalo na sa akin,” pambubuking pa ni Dong kay Yanyan.

Baka Bet Mo: Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?

Kuwento ng aktor, minsang nag-taping sila sa isang probinsya, naisipan niyang ibigay kay Marian ang direksyon papunta sa kanilang location. Siyempre wala pa raw waze nu’n at iba pang navigational app.

“May change location kasi kami, nauna ako. Medyo masukal ‘yung pinuntahan namin na kailangan may landmarks. Sabi ko, ‘Sa mga susunod, magbibigay na lang ako ng tip kasi baka mamaya may bangin dito, dito kami puwede mag-park, malubak diyan etc,’” chika ni Dingdong.


Pero hindi raw nag-reply sa kanya si Marian “So I messaged her in good faith na, ‘Ganito ang puwede niyong daanan…’ Wala lang, ‘yung talagang ganoong message.

“Tapos hindi sumagot, parang, ‘Aba!’ Pero alam kong seen eh. Bakit kaya? ‘Ano akala nito ini-style-an ko siya?’ Noong time na ‘yun talagang good intentions,” natatawang pagbabahagi pa ng aktor.

At dahil nga mapang-asar daw si Marian, naisip ni Dingdong na siya naman ang  mang-asar sa aktres, “Kasi asaran din naming magkakaibigan ‘yan eh, kunwari hindi ka nakasagot, ‘Hindi ka nakasagot?’ ‘Wala kasi akong load, eh.’

“‘Di ba ‘yan ‘yung madalas na palusot. Sabi ko, ‘Nag-text ako sa ‘yo ah. Bakit hindi ka sumasagot, wala ka bang load?’” lahad pa ni Dingdong.

“Tapos namula talaga siya. Sabi niya, (buntong-hininga na may galit). Talagang walk-out!” chika pa ng aktor.

“Sa Marimar po nangyari ‘yon, hindi po sa Dyesebel. Pero talagang, asaran lang po namin ‘yon,” paglilinaw pa ni Dingdong.

Sa pagkukuwento ni Marian sa isang panayam, na-hurt daw talaga siya noong sabihan siya ni Dingdong tungkol sa cellphone load.

Totoo kasing prepaid card ang gamit niya noon sa cellphone at siya raw talaga ang nagkakaskas ng card para i-load sa kanyang cellphone.

Well, sino nga ba ang mag-aakala na ang asaran at love-hate relationship nina Marian at Dingdong ay mauuwi pala sa pag-iibigan at kasalan?! Iba talaga kapag nagbiro ang tadhana.

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Payo ni Bea sa mga magdyowa, magpakatotoo: Kung hindi ka na in love sa partner mo, dapat sabihin mo

Read more...