Zeinab Harake proud sa panganay na si Lucas, graduate bilang valedictorian

Zeinab Harake proud sa panganay na si Lucas, graduate bilang valedictorian

HINDI mapigilan ng social media influencer na si Zeinab Harake matapos malaman na magtatapos bilang valedictorian ang panganay niyang anak sa pre-school.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng vlogger ang kauna-unahang graduation na kanyang pupuntahan bilang isang magulang.

Bagama’t excited si Zeinab ay hindi nito alam kung ano ba ang magiging award ng kanyang anak dahil inilihim ito sa kanya ng Team Zebby sa pangunguna ng kapatid nitong si Rana Harake.

“Mayroon kaming isang surprise kay Zebby which is si Lucas is valedictorian sa school nila and hindi alam ni Ate ‘yon. Gusto ko habang naglalakad si Lucas ay doon niya marinig at doon niya ma-realize na valedictorian ‘yung anak niya. Isa itong malaking gift sa amin at kahit ako kinikilabutan pa rin ako kapag sinasabi ko,” pagbabahagi ni Rana.

Saludo naman ang kapatid kay Zeinab dahil isa ito sa dahilan kung bakit lumaking magaling ang kanyang anak.

Makikita naman na super happy ang vlogger sa bagong milestone ng anak at masaya itong makita na nakatanggap ito ng napakaraming awards.

“Ang galing! Valedictorian ang anak ko!” saad ni Zeinab na talagang nagulat sa magandang regalo sa kanya ng anak.

Baka Bet Mo: Panganay na anak ni Zeinab Harake 5 years old na: Ikaw ang #1 boy sa heart ni mommy!

Dagdag pa niya, “Hindi man ako sinuwerte sa ibang bagay ng buhay ko pero pagdating sa anak, wala akong masabi. Proud. More than proud ang nararamdaman ko.”

Maluha-luha pa nga ang influencer habang pinapanood ang anak na nagbibigay ng kanyang speech sa stage bilang valedictorian.

“To my mommy, thank you for your sacrifices, for providing [for] me and to Bia. Please know that we love you with all our hearts,” mensahe ni Lucas sa kanyang Mommy Zeinab.

Maging ang kapatid na si Rana at ang kanyang assistant na naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Lucas ay hindi maiwasang maiyak habang pinapakinggan ang mensahe para sa kanila.

Matapos nga ang speech ay nakaantabay na si Zeinab upang yakapin ang anak sabay sabi ng “I love you”.

Makikita naman sa vlog na ang pangarap pala ni Lucas paglaki ay ang maging police officer.

Related Chika:
Zeinab Harake isinubsob ang boobs sa buhanginan, na-touch sa regalo ni Xian Gaza: ‘Sobrang swerte ko meron akong katulad mo!’

True ba, Zeinab Harake hindi na ni-renew ang kontrata para sa isang endorsement, anyare?

Read more...