Charlene Gonzalez ibinandera ang tagumpay sa Boston Marathon: I ran with an injury
PROUD na proud ang dating beauty queen na si Charlene Gonzalez nang maabot niya ang “finish line” sa sinalihang Boston Marathon 2023.
Sa Instagram ay ibinandera ni Charlene ang isang video na kung saan ay naging emosyonal siya habang kinuha ang medalya at sinuotan ng marathon blanket.
Para sa kaalaman ng marami, tumakbo si Charlene bilang parte ng team Hopkinton Center for the Arts (HCA), isang visual and performing arts center para sa mga kabataan.
Kwento niya sa IG post, walang tigil siyang umiyak nang matapos na ang marathon.
Ito daw ang unang beses na hindi siya sumailalim sa “base training” at tumakbo habang may iniindang injury.
“I was crying non-stop after the race [crying face emoji] First time I had no base training & went straight to marathon training for 3-4 months.” sey niya.
Baka Bet Mo: Charlene muling humataw sa pagsasayaw makalipas ang ilang taon, hirit ni Aga: ‘You challenging me my love?’
Chika pa ng dating beauty queen, “I ran with an injury today & in the beginning of the race today.. my nutrition/hydration fell and got lost on the course (which is so important in a marathon).”
Dahil daw tila wala sa kondisyon ang kanyang katawan ay panay ang kanyang dasal na maging ligtas siya sa marathon.
“I was praying the whole time, for the utmost safety [folded hands emoji] & I thank God.. for pulling me through [folded hands emojis] All glory to God almighty [folded hands emoji],” dagdag niya.
Ani pa niya, “Very happy to have been able to finish the Boston Marathon 2023 [random emojis].”
View this post on Instagram
Dahil sa post ni Charlene, bumuhos naman ang suporta mula sa kapwa-celebrities at nagpaabot sila ng “congratulatory” messages.
Ilan lamang sa mga nag-comment ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, TV and radio host Tim Yap, aktor na si Dingdong Dantes, at ang kanyang kapatid na aktor na si Aga Muhlach.
Dati nang sumali sa marathon events si Charlene, tulad ng Berlin and Chicago Marathon noong 2018, at ang London Marathon noong 2019.
Related Chika:
Pia Wurtzbach goodbye muna sa pagsali sa marathon para sa bonggang wedding nila ni Jeremy Jauncey
Anne Curtis ‘mission accomplished’ sa Tokyo Marathon: Every single kilometer was worth it!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.