Coco, Lovi hindi nagpatalbog sa 'higupan scene' nina Joshua at Janella, netizens na-shookt: 'Grabe naman yarn!?' | Bandera

Coco, Lovi hindi nagpatalbog sa ‘higupan scene’ nina Joshua at Janella, netizens na-shookt: ‘Grabe naman yarn!?’

Ervin Santiago - April 17, 2023 - 07:15 AM

Coco, Lovi hindi nagpatalbog sa 'higupan scene' nina Joshua at Janella, netizens na-shookt: 'Grabe naman yarn!?'

Lovi Poe at Coco Martin

UMANI ng iba’t ibang reaksyon ang halikan at “higupan” scene nina Coco Martin at Lovi Poe sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo”.

Maraming nakapanood sa nasabing eksena na ipinalabas kamakailan sa isang episode ng naturang teleserye sa ABS-CBN na pinagbibidahan at idinidirek din ni Coco.

Reaksyon ng mga netizens, tinalbugan na ng Kapamilya actor at director ang viral kissing scenes noon ni Joshua Garcia sa mga leading lady niya noon sa “Darna” ma sina Jane De Leon at Janella Salvador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Ayon sa ilang manonood na nakatutok gabi-gabi sa “Batang Quiapo”, grabe rin palang makahalik at makasibasib si Coco bilang si Tanggol sa karakter ni Lovi sa kuwento na si Mokang.

Ito yung eksena sa debut party ni Mokang na ginanapa sa covered court ng kanilang barangay, kaya naman  nasaksihan ng madlang pipol ang kanilang laplapan.

Comment ng ilang netizens, base sa napanood nila, mukhang walang double, walang daya at hindi fake ang kanilang kissing scene. Ngunit ang ending nga nito, nananaginip lang pala si Mokang!

Baka Bet Mo: Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na nabasa namin ABS-CBN reels kung saan naka-upload ang ilang eksena sa serye.

“Kaya pala my pa-heart broken emoji si Julia M eh. sana if my partner ka na or asawa choice mo na alisin na yung mga ganiyang kiss as a respect sa feelings ng partner mo.”

“Ba’t parang bold hahaha!”

“Kaya pala heart broken ang post ni Julia sa IG.”

“Grabe tinalo na ni Coco si Joshua hahaha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Ang tinutukoy na Julia ng mga netizens ay ang rumored partner ni Coco na si Julia Montes na nag-post kamakailan sa Instagram ng isang broken heart image na may petsang “4.18.23.”

Sa isang panayam, sinabi ni Lovi na grabe ang paghanga niya kay Coco bilang napakaging na aktor at direktor. Bukod pa rito, “Sobrang maalaga rin. Actually ‘yung mga leading man natin, they are in the industry and they’ve planted their names for a reason, di ba? It’s because they’re known to be very professional and maalaga. And ‘yon, si Coco Martin, given na ‘yon.

“Ang galing niya because namu-multitask niya lahat. Nagdidirek siya, kausap niya ako, nagcha-chat kaming dalawa habang nagdidirek siya.

“Tapos pinapabihisan na siya for the next scene. Habang nagdidirek siya. naka-earpiece siya, tapos pumunta siya sa likod ng car at nagbibihis siya at the same time.

“Sabi ko, ‘Wow, grabe ang dedication ng taong ito.’ Sobrang kalmado niya mag-direct. Nakaupo siya roon, giving directions, and talagang na-amaze ako nung nakita ko siya,” pahayag ng aktres.

Bakit maluha-luha si Denise Laurel habang pinupuri si Lovi Poe sa presscon ng ‘Flower Of Evil’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending