Ai Ai Delas Alas nine years nang in love sa asawa: Meron palang forever! | Bandera

Ai Ai Delas Alas nine years nang in love sa asawa: Meron palang forever!

Therese Arceo |April 14,2023
facebook
share this

Ai Ai Delas Alas nine years nang in love sa asawa: Meron palang forever!

Therese Arceo - April 14, 2023 - 09:34 PM

Ai Ai Delas Alas nine years nang in love sa asawa: Meron palang forever!

IPINAGDIRIWANG ni Kapuso comedy queen na si Ai Ai delas Alas ang ika-siyam na taon nilang pagsasama ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Nitong Miyerkules, April 12, ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram page ang larawan nila na kuha mula 2014 hanggang 2023.

“Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko… May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing,” saad ni Ai Ai.

Aniya, akala niya raw noon na kathang isip lang ang pagkakaroon ng matino at maayos na lalaki hanggang sa dumating sa buhay niya si Gerald.

Pagpapatuloy ni Ai Ai, “I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang… sabi sabi… kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic…

“aba nag babago pala ang pananaw… totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever… akala ko bilihan lang damit ang may forever.”

Nagpasalamat naman si Ai Ai sa asawa sa pagiging mabait nitong kabiyak at sa pagtatrabaho nito para sa kanila.

“my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nag papakain saken…

Baka Bet Mo: Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

“@gerald_sibayan—i love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year… tarush te going strong !!!”

Hirit pa ni Ai Ai, malungkot raw ang kanilang mga bashers dahil hanggang ngayon ay patuloy nilang pinapatunayan na mali ang pag-aakala ng mga ito sa kanilang relasyon.

“ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA…

“Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko,” sey ni Ai Ai na may pa-hashtag pang “#paginggitpikit”.

Samantala, may hiwalay namang pagbati si Gerald para sa kanyang asawa.

“Happy 9th anniversary of our relationship from girlfriend until you became my wife., i love you so much [face blowing a kiss emojis] many more years to come for us my wife [face blowing a kiss emojis]

“Tip: For a good and long relationship is to put GOD in the center of our life [praying hands emoji] @msaiaidelasalas,” tip niya kung paano tumagal ang relasyon gaya ng sakanila ni Ai Ai.

Matatandaang unang nagkakilala ang dalawa September 2014 at nagpakasal noong December 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo

Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending