Miles Ocampo nagkaroon ng life-threatening medical emergency, nagpa-surgery sa thyroid

Miles Ocampo nagkaroon ng life-threatening medical emergency, nagpa-surgery sa thyroid

IBINAHAGI ng aktres na si Miles Ocampo ang kanyang sakit na may kinalaman sa kanyang thyroid.

Sa kanyang interview sa “Magandang Buhay” inamin ng dalaga na kamakailan ay sumailalim siya sa isang medical procedure upang maagapan ang problema niya sa kanyang thyroid.

“Nagkaroon po ako ng emergency. Actually, habang ginagawa ko yung Batang Quiapo,” pagbabahagi ni Miles matapos niyang ipakita ang sugat sa kanyang leeg.

“Parang late last year ko pa naramdaman, yung feeling ko parang lagi akong hapong-hapo,” pagpapatuloy pa niya.

Kwento pa ni Miles, pakiramdam daw niya ay laging may nakasakal sa kanya. Nakakaramdam na rin siya ng hingal at nilalamig bigla o kaya naman biglang maiinitan kaya naman pinili na rin niyang magpatingin at magpa-blood test.

Matapos nga ang pagpapatingin ay nakumpirma ng aktres na may problema siya sa thyroid at may dalawa lamang siyang options ang magpa-surgery o ang i-delay ang kanyang treatment ng tatlong buwan.

Kahit ano naman raw ang piliin ni Miles ay eventually, kailangan pa ring sumailalim sa surgery kaya minabuti na niyang ipaopera ito.

Baka Bet Mo: Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

At dahil nga sa surgery ay may mga prior commitments ang dalaga na kinakailangan niyang isantabi.

“After Batang Quiapo, I was supposed to guest pa sa ASAP. Dapat sasayaw pa ako, pero ayaw ko lumabas na hindi ko one-hundred percent. So kinailangan ko pa mag-cancel ng last minute tapos itinuloy na yung operation,” pagbabahagi ni Miles.

Pag-amin niya, nakaramdam siya ng frustration sa nangyayri dahil para sa kanya ay ginagawa naman niya ang part niya.

Tinanong naman siya ni Regine kung “life-threatening” ba ang kanyang naging kondisyon na sinagot niya ng “Yes, Ms. Reg, saka ang bilis ng pangyayari.”

Kaya naman daw nakaramdam si Miles ng relief matapos niyang sumailalim sa surgery.

Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa tapos ang laban ng aktres sa kanyang problema sa kalusugan.

Chika pa ni Miles, “Kung hindi ko siya naagapan, may chance na mas kumalat siya. Meron pa akong last procedure na gagawin, after that, maintenance na lang for life.”

Related Chika:
Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Miles Ocampo puring-puri ng netizens sa kanyang pag-arte sa ‘Batang Quiapo’

Read more...