Winwyn sa rebelasyon ni Alden na muntik na silang maging magdyowa: 'Hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya' | Bandera

Winwyn sa rebelasyon ni Alden na muntik na silang maging magdyowa: ‘Hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya’

Ervin Santiago |April 13,2023
facebook
share this

Winwyn sa rebelasyon ni Alden na muntik na silang maging magdyowa: ‘Hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya’

Ervin Santiago - April 13, 2023 - 12:05 PM

SINAGOT ng Kapuso actress at former beauty queen na si Winwyn Marquez ang rebelasyon ni Alden Richards na muntik na silang maging magdyowa.

Naichika ng Pambansang Bae at Asia’s Multimedia Star sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ilang buwan na ngayon ang nakararaan na naudlot ang pagkakambutihan nila ni Winwyn.

Sabi ni Alden, muntik na silang maging magkarelasyon nang magsimula ang special closeness nila ng aktres noong 2019. Ngunit naudlot nga ito dahil sa kanilang trabaho, lalo na nang manalong Reina Hispanoamericana 2017 si Winwyn.

Kahapon, April 12, si Winwyn naman ang nag-guest sa “Fast Talk With Boy Abunda” at napag-usapan nga ang tungkol sa “past” nila ng Kapuso matinee idol

Tanong ni Tito Boy Abunda sa kanya, “Noong dumalaw sa amin dito si Alden, na-mention niya na muntik na (kayong maging magkarelasyon). What’s the story?”

Mabilis na tugon ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, “Alam mo, Tito Boy, kasi I saw the clip, ang dami kasing nag-tag sa akin and all.

“Tama naman yung sinabi ni Alden na dahil sa work. Pero there’s really not much to talk about outside that I consider him as a really good friend,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

Sundot na tanong ng award-winning TV host at talent manager, “So, yung muntik, tama yon?”

“Yung muntik.. hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya. Kasi si Alden, I don’t know if may misunderstanding or anything, kasi he’s really kind, malambing siya, mabait siya.

“I feel like he is like that to everyone, sobrang bait kasi niya,” paglilinaw ni Winwyn.

Dagdag pa niya, “We can talk about anything under the sun. So, I just felt that he was really good friend.”

Sunod na question ni Boy sa kanya, “Wala talaga yung deliberate na, halimbawa, bulaklak o dumalaw sa bahay?”

Sagot ni Winwyn, “Wala naman pong ganon. Wala, wala po talaga.”

Nilinaw din ng Kapuso actress na hindi naman siya na-offend o na-hurt sa mga naging pahayag ni Alden. Sa katunayan, proud na proud siya sa tagumpay ng award-winning actor.

 “Wala naman po (sama ng loob or anything), kasi tapos na, e. I don’t want to go back and dwell in the past because kahit anong sabihin natin, I’m so proud of him.

“I’m so proud of his success. Seeing a friend na ginawa niya talaga yung gusto niyang gawin, I would support him all the day. We remain good friends,” pahayag pa ni Winwyn.

Sa ngayon ay maligaya na si Winwyn sa kanyang non-showbiz partner kapiling ang panganay nilang anak na si Baby Luna, habang nananatili pa ring single si Alden.

Related Chika:

Winwyn inaatake ng postpartum, ilang araw umiiyak pagkapanganak kay Baby Luna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending