Karla Estrada pak na pak daw ang pagiging host ng ‘Face 2 Face’: ‘Sa laki ni Ms. Karla ang bumangga titilapon sa gitna ng kalsada’

Karla Estrada pak na pak daw ang pagiging host ng 'Face 2 Face': 'Sa laki ni Ms. Karla ang bumangga titilapon sa gitna ng kalsada'

Karla Estrada

SA halip na ma-offend at ma-hurt, sinakyan na lang ni Karla Estrada ang nakakalokang comment ng isang netizen tungkol sa bago niyang TV project.

Yes, super promote na nga ngayon ang nanay ni Daniel Padilla sa pagbabalik niya sa mundo ng telebisyon bilang host ng nagbabalik na Barangay Hall on-air program ng TV5, ang “Face 2 Face.”

Ang dating host ng original version nito ay ang Kapamilya actress na si Amy Perez na talaga namang sumikat nang bonggang-bongga sa buong Pilipinas dahil sa mga kontrobersyal na isyu ng mga taong harap-harapang inaayos ang kanilang mga problema.

Sa “Face 2 Face”, tatangkaing pag-ayusin at pagbatiin ang mga nag-aaway o nagkakainitang magkapamilya, magkaibigan, mag-partner at magkapitbahay, na hindi naaayos sa barangay.


May mga pagkakataon kasi na kailangang humarang o gumitna ang host kapag nagiging mainitan at matensiyon na ang bangayan na kung minsan ay nauuwi pa sa batuhan at pisikalan.

May chika na in-offer daw uli ang bagong-bihis na “Face 2 Face” kay Amy ngunit hindi ito natuloy. Pero paglilinaw ng Kapamilya TV host hindi totoong tinanggihan niya ito.

Baka Bet Mo: Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Karla kahapon, April 11, ng balitang sa May 1 na magsisimula ang bago niyang programa sa TV at kung saan-saan pa ito mapapanood bukod sa TV5.

Aniya sa caption, “And the journey starts on May 1! 11 a.m, monday to friday!

“Sa TV 5, Cignal chanel and One PH at sa aking YT CHANNEL QUEENMOTHERKARLAESTRADA

“Wag ng palakihin pa, pag usapan natin yan, sa FACE 2 FACE,” ang nakasaad pa sa kanyang FB post.


Komento ng isang netizen, pak na pak ang nanay ni Daniel bilang host ng show dahil bukod sa magaling nang host si Karla ay kering-keri rin nitong maging referee sakaling mag-away ang dalawang panig.

Sabi ng netizen, “Ms. Karla is not only a good host but can also be a referee when two families get into a fight…sa laki ni Ms Karla Ang bumangga titilapon sa gitna Ng kalsada… (peace sign emoji).”

Mukhang hindi naman apektado o napikon si Karla sa sinabi ng netizen. Ang sagot lang sa kanya ng TV host, “Galing ng idea mo (laughing emoji).”

Abangers na lang tayo kung paano ang gagawing atake ni Karla bilang host ng bagong version ng “Face 2 Face.”

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

Read more...