Belle Mariano ipinagtanggol ni Jack Logan: ‘Maganda ka…wag mong intindihin yung feeling perfect na mukhang inarmirol na kokomban’

Belle Mariano ipinagtanggol ni Jack Logan: 'Maganda ka...wag mong intindihin yung feeling perfect na mukhang inarmirol na kokomban'

Belle Mariano at Jack Logan (Photos from Instagram)

ISA sa matatapang na lantarang nagtanggol sa Kapamilya young actress na si Belle Mariano laban sa kanyang mga bashers ay ang content creator na si Jack Logan.

Si Jack Logan din ang nambasag sa controversial motivational speaker at negosyanteng si Rendon Labador matapos mag-viral ang ibinebenta niyang pandan rice sa kanyang restaurant na nagkakahalaga ng P100 kada order.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin sa social media ang naging pahayag ng social media personality na si Valentine Rosales patungkol sa itsura ni Belle.


“Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine,” ang tweet ni Valentine.

Kasunod ng pamba-bash sa kanya ng fans nina Belle at Donny Pangilinan, nag-tweet uli si Valentine at nilinaw na never niyang sinabihan ng pangit ang aktres.

Baka Bet Mo: Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

“Jusko mahal na araw. Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad?

“Beauty is in the eye of the beholder maaaring maganda sa inyo sakin hindi sakto lang. Kanya kanya tayo ng taste! Twitter ko yun, I tweet what’s on my mind.


“Wag niyo ko mandohan ng gagawin ko dahil wala naman kayo ambag sa buhay ko, wala nga ako pekelam sa opinion niyo about sakin kaya wag kayo mangelam. We are all entitled to our own opinion,” paglilinaw pa niya.

Sa kanya namang Facebook page, nagbahagi si Jack Logan ng message para kay Belle. Aniya, “Maganda ka Belle Mariano, yan ay lagi mong tandaan. At wag mong intindihin yung feeling perfect na mukha namang inarmirol na kokomban. Labyu!”

Pinusuan at ni-like ng mga DonBelle fans ang post ni Jack. Narito ang ilang reaksyon ng netizens.

“Wala akong tiwala sa mga nag iimbento lang ng chika habang umiinom ng imaginary Gulp sa 7-Eleven.”

“Idol Jack Logan pbash nman ako para mag trending dn ako.”

“Wowwwhahahaha lupit mo Jack Logan!”


“Ang importante ay yung kagandahan ng saloobin at hindi panglabas. Yun ang hindi mo pwedeng ipa surgery… Kasi ang may bigay nuon ay ang Panginoon… Lahat tayo ay may kanya-kanyang kagandahan.. That’s my two cents.”

“Kaya po mas gusto ko dito sa ibang bansa! Dito kase hindi ko ma feel na shangit ako sa kanila ang ganda ko at gustong gusto nila ang kulay ko! Dyan dami kung lait na natangap! Pinoy nga naman!”

“Tandaan mo yang nagsasabi sayo na ma maganda ka iisa lang ang paningin, paano pa pag dalawang mata nyan nakakakita?”

“Hilig kc mgppansin ng mga walang magawa kundi tumingin at humanap ng mga masasabi mapag-usapan lng.”

“Di naman hiningi opinyon nya sana lang sinarili na lang nya. Eh dahil gusto nyang sumikat at maki ride kay Belle, ayan ni tweet pa nya.”

“Dahil sa kokomban Jack Logan nacurious tuloy ako. Tama ka naman sa almirol analysis mo.”

Angela Morena hindi lang magaling sa hubaran at churvahan, may ibubuga rin sa aktingan

Belle Mariano mas naging palaban dahil sa ‘He’s Into Her’: Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak

Read more...